Sunday, August 24, 2014

...Luha

Naiyak ka na ba?
Ano ang nagdulot nito?
Luluha ka pa ba?
O wala ka ng iluluha pa?

Sa muli kong pagsulat, nais kong tanungin kayo sa bagay na madalas o madalang mangyari sa atin. Bakit nga ba tayo lumuluha sa bagay na nakakapagpasaya sa atin at lalo na sa mga bagay na nakakapagpalungkot.

Mayroong mga bagay na nakakapagpaluha sa atin dala ng kasiyahan dahil sa mga mahal sa buhay, mga kaibigan, o mga indibidwal na nakakasalamuha na ating pinapahalagaan. Mayroong mga bagay na nakakamit natin dahil sa tagal ng panahon ay lagi tayong bigo at mga pagkakataon na masasabi mong pinagpala ka.

Sa aking obserbasyon, ang mga bagay na nakapagpaluha sa atin ay dala ng masasakit na pangyayari at mayroong malalim na ukit at kabihasnan ang dulot. Maaaring madaig ng kabiguan ang masasayang bagay, sa buong durasyon ng buhay mo, iilan ang masasaya't malulungkot na parte na nagdulot ng luha...

Sa pagluha ko ay maari bang ibalik ang kahapon?..
Kahit gaano i-iyak at mamaluktot sa sobrang kalungkutan ito'y wala na...
Araw man o gabi, muli ako ay luluha kahit wala ako sa kanyang isipan...
Bakit di ako napapagod sa pagluha sa tuwing ikaw ay nakikita?...

Ang luha ay tanda ng pagmamahal simula ng tayo ay iluwal ng ating ina, madapa at matuto, magmahal at magpaubaya, maging maramot at ikubli ang lahat. Sa rurok ng ating emosyon ang iba ay nanginginig at ang iba naman ay lumuluha. 

Ako ay luluhang muli sa mga bagay na nagdudulot ng ligaya at kabiguan. Ngunit sa aking pagluha, ikaw at ako ay iisa...