Thursday, March 7, 2013

PANAGINIP




 
 Alay sa isang Blogger na mahilig sa kaharian...
 
 Dreams are successions of images, ideas, emotions, and sensations that occur involuntarily in the mind during certain stages of sleep.

Sa bawat pikit ko sa gabi ng pagtulog, lagi akong nagnanais makapanaginip ng magagandang bagay. Isang malawak na palaruan at may lumilipad na eroplano na may mahabang takbuhan papunta sa bahay.


Ngunit sa bawat magagandang pangyayari alam kong may kapalit na nakakatakot. Nais mong magising pero di matapos tapos ang pagtakbo mo hanggang madapa ka at mapalingon. Ang dating matingkad na kulay ay pinawi ng kulimlim.


Kailangan lumaban, KAILANGAN.. Panaginip man ay may dalang mensahe sa bawat indibidwal. Ngunit bawat panaginip ang balot ng madaming tanong. Pagkatapos mong mapagod at maluha sa takot biglang may liwanag na kung saan nanggaling.

Marami sa atin na ayaw ng magising kung kanais-nais ang tema ng panaginip. Kung mananatili kang matutulog at mananaginip marahil ay napag-iwanan ka na ng panahon. Ang panaginip ay mensahe mula sa kaibuturan ng bawat isa sa atin. Di madalas mangyari o ang iba di na maalala ang kanilang huling panaginip. Tama lang na matuwa sa panaginip ngunit ang tunay na ligaya at saya nasa totoong panaginip.. "ANG MULAT NA BUHAY"...

2 comments:

  1. Gusto ko yung sinabi mo na ang tunay na ligaya at saya ay "Ang mulat na buhay".

    Tama ka minsan ay ayaw na natin magising dahil sa nakakaranas tayo ng magandang panaginip. Minsan naman ay sana di nalang tayo natulog para walang panaginip.

    Maraming salamat sa pagdalaw saking kaharian at sa pag interpret ng panaginip ko. Teka para sakin ba tong post mo? Hehe. Assuming lang ako. Thank u kung ganon.

    Followed ur blog :))

    ReplyDelete
  2. huwaw... mukhang maaliwalas ang mga kaisipang mapupulot sa blog mong ito... magaling... I want more... just followed you...

    ReplyDelete