Thursday, February 21, 2013

SUNDO (Handog Para sa Mahal na Araw)



"Ang Sundo"


Noong musmos pa lang ako, nais kong makakita ng Anghel. Isang napakaliwanag at lumilipat na taong may pakpak habang kinakausap ka sa pamamagitan ng isip lamang. Maging sa mga programa’t pelikula lagi akong nakaabang upang makapanuod. Tila isang pangarap ang natutupad sa bawat panuod ko ng mga may temang Anghel. Simula pagkabata ay naniniwala ako sa mga nilalang gaya ng isang Anghel na tumutulong at nagliligtas sa mga taong may taimtim na paniniwala at kabutihan.

Ngunit sabi nila kapag musmos ka lamang sila pinapaniwalaan at di maglalaon sila’y makakalimutan at magiging matangdang kasabihan na lang sila gaya ng sirena, aswang o engkanto at madami pang iba. Nakakalungkot na ganoon ang paniniwala ng iba sa kanila. Madalas na hindi sila pinapansin dahil maituturing silang tao-sa-gigilid; dahil hindi sila diyos at madalas gamitin pampadagdag lamang sa eksena.

“Isang parte ng aking buhay”:

LUMAKI SA HIRAP ANG AMING PAMILYA. SANAY MAGBANAT NG BUTO SA UMAGA AT ANG KAIN LAMANG AY SA TANGHALIAN AT TUBIG NAMAN HAPUNAN. KAHIT DAMA ANG HAPDI NG TYAN AT PILIT NA IPIPIKIT ANG MGA MATA UPANG MAKATULOG. TULUGAN NA KARTON AT KUMOT NA PUNIT-PUNIT HABANG NAGSISIKSIKAN AT BAWAL GUMALAW SA PAGKAKAHIGA. PAG-GISING SA UMAGA SABAY SABAY KAMING MAGDADASAL AT MAGPAPASALAMAT.

SA BAWAT PANALANGIN AKO AY NALULUHA DAHIL TUNAY NA DAPAT AKONG MAGPASALAMAT AT NABUBUHAY PA KAMI KAHIT NA KAHARAP AY KAHIRAPAN. NANG DAHIL SA KAHIRAPAN AT SITWASYON NG AMING PAMILYA SINUBUKAN KONG MAG-MAYNILA AT MAKAHANAP NG KAHIT ANONG TRABAHO. NAMASUKAN AKO BILANG TAGAPAGPALA NG LUPA AT TAGAPAGSIMENTO NG PADER. DAHIL HINDI SANAY SA PERA AKO’Y TUWANG TUWA SA NATATANGGAP KO NA SAHOD NA SIYA NAMANG IPINAPADALA KO SA AKING INA NA NAG-AALAGA SA DALAWA KONG KAPATID NA BABAE.

NAKULONG ANG AKING AMA DAHIL SA PAGNANAKAW NG GATAS SA ISANG TINDAHAN. HINDI NAMIN KAYANG BAYARAN ANG PIYANSA KAYA NANATILI SYA SA KULUNGAN. MABUTING TAO ANG AKING AMA AT NAAALALA KO ANG SAMBIT NYA “Nagawa ko ito anak dahil mahal ko kayo pero hindi ito ang mabuting paraan kaya ako naririto. Huwag mong pamarisan ang gawa ko”. SA TUWING NAIISIP KO ANG BAWAT LINYA NG SAMBIT NYA GUSTO KONG SUMIGAW AT MAGALIT DAHIL WALA AKONG MAGAWA.

DAHIL SA PINAGSIKAPAN KO ANG AKING TRABAHO, BINIGYAN AKO NG PAGKAKATAON NA PAHABAIN ANG AKING KONTRATA SA KONSTRAKSYON AT MAKAKUHA NG BENIPISYO PARA SA AKING MGA KAPATID AT MAGULANG PARA SA KANILANG KALUSUGAN AT SEGURIDAD. SA TUWING HIGA KO SA GABI BAGO MATULOG PAULIT-ULIT KONG SINASAMBIT ANG PASASALAMAT SA MAY KAPAL. TUNAY NA HINDI KA PABABAYAAN.

ISANG UMAGA IPINATAWAG AKO NG AKING TAGAPAMAHALA UPANG GAMPANAN ANG TRABAHO NG AKING KASAMA DAHIL HINDI ITO NAKAPASOK NANG DAHIL SA KARAMDAMAN. PAPALAPIT AKO SA LOKASYON NANG BIGLANG GUMUHO ANG PADER NG GUSALI NA AMING GINAGAWA AT HUMAMPAS ANG BAKAL AT NATABUNAN AKO NG MGA KONKRETO.  NAWALAN AKO NG MALAY NOON AT HABANG NASA OSPITAL NARIRINIG KO ANG BOSES NG AKING INANG UMIIYAK. BOSES NA HINDI KO MAKITA KUNG SAAN NANGGAGALING.

PINILIT KONG SUNDAN ANG TINIG AT PINILIT KONG BUMANGON SA KAMA PERO HINANG-HINA AKO. NAKITA KO ANG BABAENG MAY PAKPAK NA NAPAKAGANDA AT KUMIKINANG. “ANGHEL PO BA KAYO?” UNANG TANONG KO SA KANYA. “AKO ANG IYONG SUNDO HUWAG KANG MATAKOT O MANGAMBA” SAGOT NIYA SA AKIN. “SAAN PO TAYO PUPUNTA?, SA LANGIT PO BA?” MULING TANONG KO. “AKO ANG IYONG SUNDO” TUGON NYA SA AKIN. “AYOKO PO, DI KO KAYANG IWAN ANG AKING MGA KAPATID AT MAGULANG, HINDI AKO SASAMA SAYO. ANG BUONG AKALA KO AY ILILIGTAS MO AKO AT TUTULUNGAN PERO BAKIT GANITO?”, UMIIYAK NA SABI KO SA ANGHEL. “IHAHATID KITA UPANG MAKABALIK KA SA PAMILYA MO”, SAGOT NG NAKANGITING ANGHEL. “INIABOT KO ANG AKING KAMAY AT PATULOY SA PAG-IYAK.

PAG-GISING KO SA OSPITAL NAKITA KO ANG AKING INA AT NAGDADASAL NG ROSARYO. ANG AKALA KONG SAGLIT NA PAGKAKATULOG AY 4-APAT NA LINGGO NA PALA. NAKITA KONG NAKABENDA ANG MGA BINTI KO DAHIL PINUTOL NILA ITO GAWA NG PINSALA NA BUMAGSAK SA GUSALI. UMIIYAK AKO HINDI DAHIL WALA NA ANG AKING PAA NGUNIT DAHIL HINDI NA AKO MAKAKAPAGTRABAHO PA. MAS MABUTI NA YATANG HINDI NA AKO SUMAMA SA “SUNDO” PARA DI NA AKO MAGIGING PABIGAT SA PAMILYA KO. NUNG ARAW NA YUN AY LUMABAS DIN KAMI NG OSPITAL AT UMUWI NG PROBINSYA.

MAKARAAN ANG ILANG ARAW NA NASA PROBINSYA AKO, MAY DUMATING NA SULAT GALING SA INSYURANS AT MAKAKATANGGAP DAW AKO NG SUPORTA SA KUMPANYA AT GOBYERNO. MGA KAPATID AT MAGULANG KO AY MAKAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL. PARTE NG PERA AY PINAMPYANSA NAMIN SA AKING AMA AT SYAY NAKALAYA.

ANG AKING INA AY MAY MALIIT NA TINDAHAN HABANG NAG-AARAL ANG AKING MGA KAPATID. SI AMA AY NAG-AALAGA NG MGA BABOY AT KAMBING. TUNAY NGA SIGURONG TUMULONG AT TAGAPAGLIGTAS ANG ANGHEL NA NAKITA KO. ANG MGA ANGHEL AY KAAGAPAY NG PANGINOONG DIYOS UPANG KABAYAN ANG MGA TAO. AKO AY LUBOS NA NAGPAPASALAMAT AT ALAM KONG MULI KAMING MAGKIKITA NG AKING “SUNDO” SA TAKDANG PANAHON.  NGUNIT SA NGAYON AKO AY MAGBA-BLOG MUNA.

SALAMAT….

7 comments:

  1. Naniniwala din ako sa kanila :( nalungkot ako sa post mong ito pramis .. Eye opener sa lahat ...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat sa pagbibigay panahon upang mabasa "Ang Sundo", 'wag ka malungkot, bagkus maging mapanuri. Malayo pa ang mahal na araw pero gusto kong simulan kaagad hehehe...

      Delete
  2. may kurot.... iba talaga pag "dusa experiences" ang entry.. hindi pupwedeng hindi ka makarelate somehow...

    keep on writing Kuya G!!!

    *bearhugs*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Minsan upang makamit ang pinapangarap para sa mahal sa buhay, may isasakripisyo ka.. Sakripisyo na di mo inaasahan.. Gaya ng naranasan mo.. "Bilib" ako sayo hehehe...

      Delete
  3. sa totoo lang di ko pa nababasa ang karugtong ng mga kwentong ginawa mo... pero binasa ko ito.. walang duda di nga ako nagkamali sayo. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nang makita mo ang ningning ng tiwala ikinubli ko ito at nagkaroon ng tanong sa sarili. "Kaya ko ba talaga?" tanong ko sa hangin.

      Sumubok ako na ibulong sa hangin at kapalit ay ginhawa sa damdamin na tila nakahinga ng maaliwalas.

      Sa aking tagapagpayo "maging sa sa totoong buhay", salamat ng taos-puso kaibigan...

      Delete
    2. dahil dyan, i-fishball na yan ahahaha.

      Delete