PAGPAPATULOY… (Ang Pag-ukit ng Nilalaman) 7th
Masasarap
na laman-dagat ang nakahain gaya ng inaasahan ko. “Parang gagaling ako kagad
nito”, sambit ko sa sarili dahil sa may alam ako sa pagluluto. Masayang
kumakain ang bawat isa sa resort at halatang may ngiti ngunit galit sa bawat
isa dahil sa sarap ng pagkain.
Matapos
ang lunch-buffet, nagpasya kami ni Lance na pumunta sa harap ng dalampasigan
upang magpahinga. “Ang lawak ng dagat noh” unang sambit ni Lance. “Mas malawak
kung pipikit ka lang”, sagot ko sa kanya. “Huh, pipikit pa ba ako eh ang saya
ng nakikita ko, sa lawak nitong dagat parang ang lapit lang ng dulo pero malayo
talaga, muling salita nya. “Oo ganoon nga, akala mo dyan lang at tanaw ng mga
mata natin pero pag andun ka na doon mo lang masasabi na malayo na pala” muling
pagpapalawak ko ng kaisipan.
“Silver,
ganon ba tayo?”, mahinang tanong nya ngunit nadinig ko. “Hindi siguro, para
kang itong puno ng buko naghihintay at malayo sa mismong tubig-dagat pero
pagtaas ng tubig at alon nadarama mo sya”, sagot ko kay Lance. “Edi ganon nga,
walang malinaw o kumpirmasyon”, muling tugon nya. “Ang importante
pinagkakatiwalaan kita sa lahat Lance”, seryosong tono ko habang nakatingin sa
kanya. “Pinagkakatiwalaan?, Eh diba gusto ko nga pagmamahal mo”, pangiting
tugon nya pero ramdam ko na parang dismayado ito. “Lance makinig kang mabuti, nagtitiwala
ako sayo.. yun anag mas matimbang.. dahil pwede kong mahalin ang taong
pinagkakatiwalaan ko kaysa sa mahal ko pero di ko makuhang magtiwala..”,
paliwanag ko sa kanya. Tumayao si Lance upang magyayang bumalik sa kwarto.
“Di
ko alam ang sasabihin, masaya ako at nakakapag-usap tayo ng ganito Silver”,
sabay hawak sa balikat ko at sabay naglakad patungong kwarto.
Pagdating
ng kwarto, “Lance, may ibibigay ako sayo para sa pre-birthday gift”, sabi ko
kay Lance. “Ano yun?”, parang batang napaka-excited. “Kunin mo sa
ilalim ng unan mo”, pag-uutos ko. “Ano ba ito?, parang ang lapad naman?” tanong
ni Lance. “Wow portrait natin?”, tuwang-tuwa pagkakita ni Lance ng painting. “Oo,
muntik mo na nga ako mahuli nung pumunta ka sa bahay at pinipinta ko yan.. noon
nung pinagswimming kita at naglunch sa bahay, naalala mo ba?”, paliwanag ko sa
kanya.
Masaya
ang sumunod na mga oras, nakasumbrero si yaya Mareng at nag-yaya upang
magswimming. “Hoy, lalanggamin kayo dyan, at kailangan nyo ng konting alat sa
katawan hahahahaha” panunukso ni yaya Mareng. “Lance, sasamahan ko lang si yaya
Mareng para magswimming”, paalam ko kay Lance upang samahan si yaya Mareng sa
nakakatawang outfit nito. “Ok, thank you ulit Silver. Puntahan ko lang sina
Mama”, sagot nya sa akin. Bago pa man makalayo, “Ingat kayo ha?, please”,
huling paalala nya. “Hay naku Sir, wag ka mag-alala dati akong sirena at
marunong akong lumangoy”, pagbibiro ni yaya Mareng. “Yaya, may kulang.. Sirena
na isinumpa at iniluha ng dagat hahahaha”, dagdag na pambibiro ko.
Maghapon
kaming nagswimming ni yaya Mareng hanggang mamula na ang balat namin pati mga
mata. Parang wala ng bukas. Sa pagod ay nagpahinga kami sa silong at tinanong
ko si yaya Mareng, “Yaya Mareng, naguguluhan ako”, bulalas ko sa kanya habang
tinatabunan ko ng buhangin ang mga paa ko. “Naguguluhan?, hayaan mo lang
maramdaman ito kung ano nararamdaman mo yun lang yun. “Tignan mo si Lance at
mga magulang nya, naging pamilya sila dahil sa nararamdaman nya sayo, di naman
ganyan yan dati”, “Kung tatanungin mo ako, nakikita ko na masaya kayo pareho
yun nga lang di sya babae”, paliwanag nya. “Yun nga eh”, muling dagdag ko. “Pero
Sir Silver, tignan mo, hindi dahil alaga ko si Lance eh ipagtutulakan ko kayo
dahil boto ako sayo lalo na mga magulang nya. Ang sa akin lang eh ang babae ay
para sa lalake lamang ngunit at malaking pero’t datpuwat, kung pag-iibigan ng
dalawang lalake ay gaya ng dagat na ito sino makakapagsabing mali ang puso
ninyo? Pagmamahalan na walang sinusukat at tinitimbang.. maiintindihan ng
panginoon yun”, huling salita ni yaya mareng bago ko sya yayain bumalik sa
pagsiswimming. “Yaya Mareng may tama ka!!!!”, tara na sa tubig baka mawala ang
sumpa hahahaha”, pag-aanyaya ko sa kanya.
No comments:
Post a Comment