Friday, February 8, 2013

PAGPAPATULOY… KANDILA O LAMPARA 4th


PAGPAPATULOY… (Alab ng Kandila) 4th



Malapit na ako sa terminal ng jeep pauwi sa amin ng biglang may tumawag sa cellphone ko. Si sir Aguila, “Hello, Sir kumusta?, bakit po”. “Saan ka na?, pupunta tayo sa birthday party ng Papa ko diba?” sagot ni Sir Aguila. “Sir pasensya na nakalimutan ko at di nakatext” nababahalang sagot ko kay Sir. “Ok lang, nasaan ka na at susunduin kita, may dala akong sasakyan” huling sagot ni Sir.



Habang nasa loob ng kotse, tinanong nya ako “Bakit mo nakalimutan?”. “Busy kasi kanina sa school Sir at late na ako nagising. Napagod ako sa PE class kanina”, sagot ko sa kanya. “Ok na yun, natanong ko lang naman. Importante kasama kita ngayon at makikita mo na pamilya ko”. Napaisip ako habang nasa loob ng kotse kung nanliligaw ba si Sir sa akin o sadyang mabait lang sya dahil alam ko sikreto nya?. “Silver, pwede bang Alex na lang?”, kasi wala naman magkaibigan na tawagan eh Sir, pag sa school na lang at wala naman tayo sa klase diba?”. “Madali naman akong kausap Alex”, sagot ko sa kanya.



Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila laking gulat ko at parang wala naman bakas ng birthday party, “Lance, bat ang tahimik?, ganito ba talaga ang party nyo” tanong ko na may kasamang pagkatulala. “Labas na tayo at pasok sa bahay naming” sagot sa akin.  Modern Japanese style ang tema ng bahay nila Lance, sa gate pa lang ay alam mong pinagkagastusan nila at ng bumukas ang pinto “Good evening Sir, Lance at sa inyo po Sir Silver”, pagbati ng kasambahay nila. “Ya, pakikuha yung wine ni Papa sa kotse”, paki-usap ni Lance. Maganda ang bahay nila Lance at metikoloso ang bawat mwebles at desenyo. “Silver, si Mama pala interior designer at si Papa naman ay engineer, dayan nila binuhos mga frustrations nila hahahaha” biro ni Lance. “Maganda nga eh nakamamangha mga ilaw at designs” tugon ko sa biro ni Lance. “Silver, Iho, kanina pa naming kayo hinihintay!. Maganda ang panlasa mo sa mga desenyo. Nagustuhan mo ba?”. “Opo, napakaganda. Pati po ang kulay at pagkakadesenyo ng espasyo” sagot ko sa Mama ni Lance. “Tawagin mo na lang akong Mama, Iho” muling pagwewelcome nya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko na tila pinagplanuhan ba lahat nito ni Lance pero bakit pati ang Mama nya?. Biglang may isang lalaki na papalapit at ita ang Papa ni Lance, “Iho, Lance, halina’t pumunta sa dining area para makapaghapunan”. Biglang akbay sa akin ni Lance, “tara na, wag ka na mahiya”. Bigla kong tinanggal ang pagkaka-akbay ni Lance at bakas sa mukha nya ang pagkagulat pati na rin sa magulang nito. “Paumanhin po Mama at sa inyo po Sir, nagandahan ako ng labis sa bahay nyo dahil ang nakatira dito ay masasabing tunay na tao”. Lumapit ako sa Mama ni Lance at inabot ang kamay para mag-mano at sunod naman sa kanyang Papa. “Nagulat po ako kaya nakalimutan kong gawin at hapy birthday po pala”, pagpapaliwanag at pagbati ko sa kanila. “Natutuwa ako sa batang ito” kumento ng kanyang Papa.



Sa hapag kainan, apat lamang kami ang Mama at Papa ni Lance, si Ya ang kanilang kasambahay na di ko pa alam ang kanyang pangalan, at si Lance. “Matagal na kitang naririnig kay Lance Iho bakit ngayon ka lang napasyal?” tanong ng kanyang Mama. “Madami po kasi ginagawa sa school” tugon ko sa tanong. “Kain ka pa, masarap magluto si Ate Maring” biglang komento ni Lance at dinagdagan pa ang aking kinakain. “Sya nga pala Iho, may ipapakita ako sayo mamaya pagkatapos kumain” pag-iinbita ng kanyang Papa. “Ah-o-opo” gumagaralgal na sagot ko at napatingin ako kay Lance.



Natapos ang pagkain at nabusog ako sa kaba at paninibago dahil unang gabi ko makikita at makikilala ang pamilya ni Lance. Nang maalala ko na may ipapakita ang Papa ni Lance lumpait ako, “meron po kayong ipapakita?” tanong ko sa kanyang Papa. “Halika dito Iho, sa taas. Lance samahan mo muna ang mama mo dyan at si Aling Maring” utos ng Papa nya.” Sa library room ako dinala ng kanyang Papa at bigla ako napa-isip “hay, naku ano po ba ito? Tulungan nyo ako. Magtatapat din po ba sya na siya ay… ? bago pa man natapos ang aking iniisip, “Halikat Iho mag-usap tayo?”. Sabay kuha ng tabaco ng kanyang Papa at sinindihan at naglagay ng alak sa baso. “Ba-babakit po” tugon ko sa pag-anyaya nya. At heto ang nagging salaysay ng Papa nya:



“Iho, hindi lingid sa kaalaman ko kung ano si Lance, ang Mama nya at ako ay napag-usapan na namin ang bagay na ito. Hindi direktang sinabi namin kay Lance pero alam naming na ramdan nya na tanggap namin sya kung ano man ang kagustuhan nito sa buhay.”



Tila naalala ko ang biruan naming magbabarkada…. “Nga-nga sabay lunok”. Patuloy lang akong nakinig sa sinasabi ng kanyang Papa:



“Ngayon lang namin nakitang masaya si Lance at naging magalak sa araw araw simula ng na-ikwento ka sa amin. Alam kong alam mo kung ano si Lance pero nanatili ka at pinili mong samahan sya. Salamat Iho, panadalian man o pangmatagalan, naspapasalamt na ako dahil sa dulot mong saya sa anak ko.”



“Kina-usap kami ni Lance na mag-iiba sya ng propesyon. At piniling magtrabaho sa aming restaurant na alam kong di nya gusto simula pagkabata. Bata pa man sya ay pinangarap kong alalayan kami sa business pero di nya hilig ito. Alam mo ba kung saan tumutumbok ang sinasabi ko Iho?”.



“Hindi po” ang tugon ko at sabay iling at patuloy na nakikinig.



“Nang dahil sayo, natupad ang pangarap namin para magka-interest si Lance sa restaurant. Kung hindi sya aalis sa school nyo at patuloy ang nararamdaman nya sayo maaring di lang sya ang mapapasama pati narin ang pag-aaral mo”.



“Naiintindihan ko na po…” tugon ko na parang nanghihina sa mga naririnig ko.



“Nais kong malaman mo na nasa inyo ang aking basbas, kakausapin ko si Lance sa bagay na ito pag nagkataon. Maari ba kitang pagkatiwalaan sa bagay na ito Iho?”.



Tumayo ang Papa ni Lance at hinawakan ang balikat ko patungo palabas ng library. Pagbukas ng pinto ay nasilayan ko si Lance na masayang masaya at walang bakas na kaba o pagdududa kung anuman ang napak-usapan naming ng kanyang Papa. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa alam kong di galit sa akin ang kanyang Papa o dahil bumukas ang pinto at naka-ihip ako ng hangin na kinuluban ng usok ng tabaco.



Pagkababa ng hagdan, nakabalot sa basket ang mga prutas at tsokolate pati narin ang espesyal na luto ni Aling Maring. “Iho, pasalubong mo sa bahay nyo. Alam kong biglaan ang pag-yaya ni Lance sa birthday ng kanyang Papa kaya di na namin naimbita ang pamilya mo”. “Salamat po, Mama uuwi nap o ako at baka hanapin ako sa bahay at may klase pa po bukas” paalam ko sa magulang ni Lance. Bitbit ni Lance at ni Aling Marin gang mga pagkain, “Ako na, sakay ka na sa kotse”, pagyaya ni Lance. “Iho”, malasigaw ng kanyang Mama. Tumigil ako bago pa makalabas sa pintuan at lumapit ang kanyang Mama para bumeso at kinamayan naman ako ng kanyang Papa. “Welcome to our family, Iho!.. Pasyal ka ulit” sabi ng kanyang Papa.



Habang nasa loob ng kotse, natutuwa at maaliwas ang pakiramdam ko dahil sa ipinakita ng kanyang pamilya. Pero alam kong masasaktan si Lance dahil di naman gaya ng kanyang nararamdaman ang nasa puso ko. “Lance?...” “bakit mo ginagawa ito…” at heto ang sagot nya;



“Nang makita kita natuwa ako.. parang sa tagal ng panahon nakatagpo ako.. na di ako mababahala at ninasi kong makilala ka ng pamilya ko… kaya ang saya ng gabing ito.. Si Papa ang may birthday pero parang ako ang may regalo at nagdiriwang.. ang saya”.



“Lance, marahil wala kang kapatid kaya siguro nararamdaman mo yan. Sadyang mabait ang magulang mo at marunong tumanggap ng bisita” paliwanag ko sa kanya.



“Silver, alam ko kung kapatid o kaibigan ang nararamdaman ko.. Mas pa dun”.. “Di mo kailangan tumbasan ang nararamdaman ko dahil alam kong di ka magmamahal ng gaya ko.. Hayaan mo lang ako, masaya na ako na kaibigan ang turing mo sa akin…” paliwanag nyang muli.



“Maliwanag yan ha? Lance?”. Pagkumpirma ko sa kanya..



Hinawakan ang kamay ko ni Lance at sinabing, “maghihintay ako”. Tinaggal ko ang kanyang kamay at “di ako bakla” napalakas ang boses ko. “Alam ko, kaya nga ako maghihintay eh” tugon ni Lance.



Nakauwi na ako ng bahay at nagtext para magpasalamat kay Lance pati narin sa magulang nya. Binalikan ko ang supot ng kandila upang magsindi at magpahinga habang nagpapababa ng busog. Habang minamasdan ko ang liwanag ng kandila naisipan kong kunin ang lampara sa altar:



Para akong lampara ngayon pinipilit ilabas ang aking liwanag dahil sa patuloy na daloy ng langis. Di tulad ng kandila, may pisi at patunaw ng patunaw ito’y maglalaho. Ang magulang ni Lance ay tila Lampara rin upang mabigyan ng suporta si Lance-na tila kandila na matagal ng napudpod at isinalin sa lampara… upang umilaw muli…

No comments:

Post a Comment