Thursday, February 14, 2013

PAGPAPATULOY… KANDILA O LAMPARA 6th



PAGPAPATULOY… (Ang Pagtanggap ng Liwanag) 6th

Bago pa makasakay ng kotse si Lance, “Silver, wag ka lalabas ng bahay ng walang damit ha?” pasigaw na sambit nya. Napangiti lang ako at alam ko na ibig nyang sabihin.

“Isang kandila na kayang sindihan ang libo-libong kandila at ang liyab nito ay hindi mauubos. Ang kaligayahan ay di mababawasan kahit na pagsaluhan”.

Lumipas ang mga araw… Mabigat ang pakiramdam ko at may konting sipon pa.. Ganun pa man ikinubli ko ang pakiramdam ko at tuloy parin ang birthday party ni Lance. Heto na ang bakasyon sa El Nido kasama ang pamilya ni Lance. Madaling araw pa lang ay sinundo na ako ng pamilya ni Lance patungong airport. Nagmamaneho ang kanyang Papa at sa harapan ang kanyang Mama, si yaya Mareng naman sa malapit sa bintana at si Lance sa kabila habang nakapagitna ako. Naisip ko na uminom ng gamot bago tumuloy-tuloy ang byahe para hindi magka-aberya sa airport. “Lance, iidlip lang ako ha?” sabay idlip pagkatapos uminom ng gamut. “Ok sige, dito ka na sa balikat ko” pabulong na sabi ni Lance sa akin. Pagkatapos ng 3 oras ng byahe ay nakadating din kami sa airpot. Paggising ko ay nasa balikat parin ako ni Lance at may ngiti sa mukha nya. Parang batang excited sa pupuntahan. Nakapagpark na kami at palabas ng kotse upang maglakad papuntang loob ng airport. “Nangalay yata ako Silver”, pabirong sabo ni Lance pero bakas ang pangangalay ng braso at balikat. “Pasensya na” paumanhin ko kay Lance. “Okay lang naman eh kung sag anon ako makakascore diba?” paglalambing ni Lance. “Lets go, tama na lambingan at lalanggamin kayo dyan”, pangungutsa ng Papa nya. Nagkatinginan kami at natawa at tumigil nga pagkatapos ay lumakad na papaloob ng airport.

Halos 75 minutes ang byahe sa eroplano mula manila hanggang El Nido airport. Sa labas ng airport ay may naghihintay na mini-shuttle bus na may singage na El Nido Resorts Miniloc Island Palawan – Beachfront Resort. “Ayun na ang sundo natin Ma’am” sambit ni yaya Mareng. Lumapit kami papuntang mini-shuttle bus at inalalayan kami sa mga bagahe naming. “Tulog ka uli sa balikat ko ha?, 2 oras ang byahe” pambubuysit ni Lance. “Di ako matutulog at gusto ko makita ang tanawin” sabay sagot ko sa kanya. Maginhawa ang pakiramdam ko ng umagang iyon at pakiramdam ko ay nawala na ang sipon at bigat ng katawan ko.

Maganda… sadyang napakaganda ng Palawan.. El Nido.. namamanghang kumento ko. “Iho, dito ako nagpropose sa Mama ni Lance”, biglang banggit ng Papa nya. “Kilala ko rin ang Mayor dito na si Dina Lim, ang nagkasal sa amin at ninang ni Lance”, dagdag nya. “Wow dito lahat nangyari ang proposal at kasalan?” pagkukumpirma sa pangyayari. “Pinikot lang kasi ako ng Mama mo Iho at wala akong magawa nung panahon na iyon ahahahahahaha”, pabirong kumento at tawa ng kanyang Papa.

Dahil sa kwentuhan sa byahe di naming namalayan na nasa Miniloc Island Palawan – Beachfront Resort na pala kami. “Welcome Ma’am and Sir” pasalubong na pagbati ng mga empleyado na mag isinabit na bulaklak sa leeg namin at binigyan kami ng fresh 4 season na inumin. Sabay tawa ng malakas ni yaya Mareng dahil, “Artista na ako, hahahaha” “ganito pala dito” dagdag nya at lahat kami ay natawa sa reaksyon nya.

Magkaroom-mate kami ni Lance at dumeretso na kami sa kwarto dahil nakaprepare na lahat pati mga bagahe at susi. Amoy bulaklak ang kwarto at maaliwas ang simoy ng kwarto. Maihahalintulad ko ito sa mga spa sa Thailand. Hindi na ako nagbukas ng bintana dahil mainit sa labas at baka mawala ang amoy ng mga bulaklak sa mesa. “Lance papahinga lang ako ha?”, paalam ko kay Lance. “Wag na, kasi maya-maya pa eh maglalunch na” sambit ni Lance. Hindi ko pinakinggan si Lance at nahiga na lang sa kama, inabot at niyakap ang unan at nagkumot ako. Lumapit si Lance at nagtanong “malamig ba ang aircon?”, sabay hawak sa mukha ko. “May lagnat ka, kaya pala matamlay ka at nilalamig. Napagod ka siguro sa byahe” sabi ni Lance. “May gamot akong dala sa bag ko, pakikuha na lang ng maka-inom ako” paki-usap ko kay Lance. Dali-dali syang kumilos at pinainom ako ng gamot. “Alam mo Silver, di ko alam kung ikatutuwa ko na may lagnat ka at kasama pa kita ngayon” sabi nya sa akin. “Adik ka, eh kung lumala ang lagnat ko di hindi na natin na-enjoy ang bakasyon?”, tugon ko sa kanya. “Maaalagaan kasi kita, yun lang yun” patuloy na pagpapalusot nya. “Eh pwede mo naman akong alagaan ng wala akong lagnat diba?” muling sagot ko sa kanya bago ko ipinikit ang mata ko para bumalik sa pagkakahiga. Nasandal sa tabi ko si Lance at yumakap. Pakiramdam ko ay tahimik at ligtas marahil sa pangungulila ko sa mga magulang ko, Hinayaan ko lang sya dahil masarap naman sa pakiramdam. Umayos ng pwesto si Lance at ramdam ko na ang mukha nya ay malapit na sa akin dahil ramdam ko ang pintig ng puso nya sa braso ko at hininga nya sa leeg ko malapit sa tenga. Nagtataka ako bakit di ako kinakabahan at lalo akong inantok, marahil sanay na ako sa kanya. 

Maya-maya pa ay nakaidlip na ako, napansin ko na nakayakap na si Lance sa akin at ang mga labi nya ay nakalapat na sa mga labi ko. Di ako gumalaw para di magkailangan. Hinalikan ako ni Lance ng paulit-ulit at paulit-ulit din ang pagsabi nya na “Mahal kita”. Napansin ko din na habang yakap nya ako ay hawag naman nya ang kamay ko. Ibinukas ko ang mga mata ko at nasilayan ko ng malapitan si Lance mata sa mata at labi sa labi. Ngumiti lang ako dahil wala naman akong nararamdamang kakaiba, walang galit o walang pag-aalinlangan. Hinawakan ko ang mukha ni Lance upang halikan din sya ngunit, “Sir Lance at Sir Silver, maglalunch na tayo”, sigaw ni yaya Mareng. Hindi natuloy ang nais kong gawin sa unang pagkakataon. Tumayo ako ng mabilis at ganun din si Lance dahil sa akalang papasok si yaya Mareng. “Kain na tayo Lance, gutom na din ako”, pag-anyaya ko kay Lance. “Si sige”, halatang kabadong sagot ni Lance, marahil ay inaasahan nyang magagalit ako sa nangyari.

Di ko alam kung ang lahat ay dala ng lagnat ko o sadyang nakikita ko na ang pagtingin ni Lance sa akin. O marahil dahil narining ko nang malinaw at paulit-ulit na mahal nya ako. Ano pan ang dahilan ay di mahalaga dahil wala naman akong galit na nararamdaman bagkus ay nakaramdam ako ng matagal ng nawala sa akin.

ITUTULOY………….

No comments:

Post a Comment