Thursday, February 7, 2013

PAGPAPATULOY.. KANDILA O LAMPARA 2nd



PAGPAPATULOY… (tema: ebulusyon ng lengwahe at estilo) 2nd


Edukasyong Pang-pisikal, ay isa lamang sa mga akademya di ko ninanais lalo na ang oras ng pasok.  Alas-nyebe y medya umaga hanggang tanghali ang aking pasok na pangangasiwaan ni Mr. Aguila. Sya ang paboritong guro sa departamento ng Edukasyong Pang-pisikal at marami ang humahanga sa kanya. Bata, tisoy , matipuno at mukhang artista, yan ang madalas na maririnig mo pag natanong mo si Mr. Aguila ngunit may pagka-istrikto raw ito.

Panggabing klase ang napili ko para sa kolehiyo sa dahilan na hirap akong gumising ng maaga at gawa na rin ng pagkaumay sa sekondaryo. Nagising ako ng alas-otso y medya ng umaga at siguradong mahuhuli na ako sa klase. Dali-dali akong naligo at nagbihis, pagkalabas ng bahay nakita ko ang kotse namin na papalabas pa lang din. Sinabihan ko ang aking kapatid na ihatid ako sa eskwelahan at ako’y mahuhuli na sa klase. Mabilis and takbo ng kotse at sing-bilis ng kaba ko sa dibdib dahil unang araw ko Edukasyong Pang-pisikal. Bago pa man ang takdang oras ay umabot ako sa klase, apat na minute pa kung tutuusin. Lahat ng kamag-aral ko ay nakaupo na sa silid aralan samantalang ako ay pawis na pawis dahil sa pagtakbo patungong klase. “Mr. Guttierez, may apat na minuta pa..” sambit ni Mr. Aguila. Tumango lang ako dahil sa pagod at kaba dahil balitang istrikto si Mr. Aguila.

Pumunta sa harapan ng klase si Mr. Aguila, “lilipat tayo ng silid, lahat tayo ay tutungo sa palaruan ng eskwelahan”. “Mr. Guttierez, maiwan ka”. Lalo akong kinabahan at parang masusuka pa, marahil sa pagod, init ng panahon at pagdagungdong ng dibdib ko. Dahan-dahan akong lumapit at nagtanong “ano po iyon?”. Hinawakan ako sa balikat ni Mr. Aguila at patungong labas ng klase pasunod sa mga kamag-aral na patungo sa palaruan ng eskwelahan. Anya “di ka naman nahuli kaya wag ka mabahala pero di ka dapat mahuli sa susunod ha?”. “Opo”, sabay tango lang ako at di mapakali dahil nakahawag sya sa balikat ko na basa parin ng pawis. Bumunot ng panyo si Mr. Aguila at iniabot sa akin, “punasan mo at baka matuyuan ka ng pawis”. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya ngunit tumanggi akong gamitin ang panyo dahil baka mapawisan. “Para sa pawis talaga yan kaya gamitin mo na, di ko pa nagagamit yan kaya pwede mong gamitin”. Sa pangalawang pagkakataon, tinanggap ko na ang panyo at ipinunas sa aking noo at leeg. Malapit na kami sa palaruan ng eskwelahan ng biglang sabihin ni Mr. Aguila, “tapos ka nab a sa panyo ko?, maari ko na bang makuha?”. “Pasenysa na po, heto po ang panyo” tugon ko sa kanya.

Mabilis na lumipas ang oras at di namalayang magtatanghalian na pala. Ipinatipon kami ni Mr. Aguila upang magbigay ng karagdagang alituntunin at ibigay sa kanya ang Edukasyong Pang-pisikal na tiketa (isang maliit na papel na nagsasaad ng pagpasok sa klase at impormasyon ng estudyante). Di nagtagal ay natapos na ang klase.

Bago pa man umuwi, dumaan muna ako ng capeterya para bumili ng paborito kong minatamis na tsaa. Habang nakaupo nasambit ko na “mabait naman pala sya at di naman istrikto”. “Sino” sagot ng isang lalaki. Pagtingin ko ay si Mr. Aguila pala. “Mr. Guttierez, madalas ka ba magpunta dito sa capeterya?” sunod na tanong nya. “Opo, para bumili ng minatamis na tsaa” sagot ko kay Mr. Aguila. “Maari bang maki-upo?” sabay upo naman ni Mr. Aguila. “Di naman ako istrikto, kapag kinakailangan lang ng pagkakataon dahil di naman lahat ng estudyante sumusunod sa guro”, lalo akong namula sa narinig ko. “Wag nyo pong isipin na kayo ang nabanggit ko kanina”, patuloy ko na pagtatanggi. “Wag ka mag-alala naiintindihan ko”, sagot ni Mr. Aguila upang mabago ihip ng hangin. “Sya nga pala Sir, salamat po sa panyo kanina, tuloy wala na po kayong gagamitin?”. “Wala yun Silver” tugon ni Mr. Aguila. “Sir, magpapaalam na po ako at uuwi na”. Ngiti lamang ang isinagot sa aking ni Mr. Aguila at hawak ang kanyang panyo.

Habang nasa loob ako ng jeep patungong bahay namin, nakatanggap akong mensahe “Hi loverboy, how are you?”. Natuwa ako ngunit napa-isip kung sino ang nagmensahe. Nagpadala ako ng mensahe at tinanong kung sino sya. Anya “ako yung babae na kaharap ng grupo nyo sa palaruan ng eskwelahan, ang gwapo mo loverboy”. “May kasintahan ka na ba?” dagdag nya. Natuwa naman ako dahil wala naman akong kasintahan at matagal na wala na kami ni Irish kaya naisip ko na maari na sya ang binigay ng Panginoon muli sa dasal ko. Nagpatuloy ang aming mga mensahe hanggang umabot ako sa gusto ko na syang makilala at makita ngunit tumanggi sya. Kaya pilit ko syang tinanong kung nasaan sya sa palaruan ng eskwelahan nung makita nya ako. Ang sagot nya ay “kami yung kabilang grupo ng mga babae at ikaw yung nakadekwatro, napatingin ako sayo at nakita ko ang iyong bayag na mamula mula”. Laking gulat ko sa kanyang mensahe dahil di maaring makita ang maselang bahagi ko dahil may suot akong panloob. Napa-isip ako at nagduda, sagot ko sa kanya “hindi ka babae at nagkukunwari ka lamang kaya ayaw mo makipagkita. Ngayon ka pa ba mag-aalangan kung kailangan na magkaibigan na tayo?”. Naisip ko na sya ang aking guro na si Mr. Marquez na tagapagpayo naming sa klase at Accounting subjext ngunit wala naman akong pruweba na sya nga iyon. O baka mali din naman na pag-isipan ko sya sa ginawang kabaitan nito. Dahil sa inis nagmensahe akong muli “sa ginagawa mo naiisip ko yung mga taong gumawa ng mabuti sa akin na sila ikaw, hindi tama ginagawa mo. Kailangan mong magtiwala ano ka pa man, kung magsasabi ka lang kung sino ka tatanggapin kitang kaibigan.”. Lumipas ang bente-singko minuto at nakatanggap ako ng sagot “Ako ito, basta itago mo ang sikreto ko at magtitiwala ako sayo”. “Sino” tugon ko sa sagot nya dahil walang pangalan sa mensahe. “Panyo at minatamis na tsaa, ako si Mr. Aguila” ang sunod na natanggap kong mensahe.

Natigilan ako at di nakaimik. Sabi ng drayber “mga bababa sa subdibisyon dito na”. Hanggang pagbaba ay nakatitig lang ako sa mensahe dahil di ko inakalang totoo ang hinala ko. Biglang nanginig ang telepono ko at tumatawag ang numerong kamensahe ko. Sa kaba at gulat nabitawan ko ito at nasira ang aking telepono.

Pagdating ng bahay naupo ako sa supa at nasandal. Iniisip ko ang pangyayari ng araw na iyon. Ang bilis ng pangyayari sa loob ng kalahating araw. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Si Mr. Aguila ay nagkagusto at loverboy ang tawag nya sa akin. Nasambit ko “okay lang yan, next week pa naman ang sunod na pasok ko sa klase nya at di ko pa naman sya makikita”. Pero nababahala ako dahil ang huling usapan naming ay “magtiwala” tapos biglang nasira ang cellphone ko habang tumatawag sya. Baka ano pa isipin nya at magalit sa akin. Sa kakaisip, nasabi ko sa sarili ko na “lalake din naman sya at kahit di ako magpaliwanag kung bakit biglang di na ako sumagot maiintindihan nya, babae lang naman ang binibigyan ng paliwanag dahil madalas sila ang nasasaktan”.

Sa mga sumunod na mga araw sa eskwelahan, nag-organisa ang mga kaklase ko na magkaroon ng salo salo bago matapos ang semester kasama ang adviser at propesor namin sa Accounting na si Mr. Marquez. Anya ng mga kaklase ko ay halatang may gusto sa akin kasi lagi na lang ako ang napapansin at kapag wala pa ako ay hinahanap ako sa klase. Halata ang kasarian at oryentasyon ni Mr. Marquez at madalas magtext sa akin. Lingid sa kaalaman ng mga kaklase ko na dati pa naman akong tinitext ni Mr. marquez at niyayayang lumabas. Sa bagay na ganitop tahimik lamang ako at di naman ako sumasagot sa text pag ganoon na ang text ng adviser namin.

Nakatanggap ako ng parangal na “LoverBoy” at “Japorms”, mga parangal na opinion ng klase ayon sa naipakita mo sa buong semester. Natuwa naman ako dahil napansin pala nila na simula nag-umpisa and klase mula lunes hanggang biyernes di ako nag-ulit ng damit na sinuot hanggang matapos ang semester. LoverBoy naman dahil daw sa naghihintay parin ako kay Ms. DreamGirl. Simple pero nakakaligaya ng puso dahil di ko maranasan ito sa highschool. Habang kumakain ng handahan lumapit si Mr. Marquez at “Paano nyan?, matatapos na ang sem di man lang tayo nakalabas?” banggit ni Mr. Marquez. Sabi ko naman, “Sir lagi ka ngang nagtetext para naman wrong send kasi bakit ako yayayain ng adviser ko mag-date eh bawal yun, kaya naiisp kong wrong sent ka lang!”. Nakahinga ako ng maluwag ng lumapit si Cherry (isa sa mga kaklase ko na pasimuno ng party). Mabilis akong sumama sa kanya dahil meron daw syang palaro at iniwan ko si Mr. Marquez.

Anouncement ni Cherry “iba-blind fold ko si Silver at lahat ng may crush sa kanya ay maaring humawak sa kamay o humalik sa cheeks nya”. Sambit ko sa sarili ko, “Wow, buti na lang at sumama ako kay Cherry”. Ang nakahalik ay sina;

Mabelle – mabait at matalino
Andrea – maganda at sexy pa pero ay boyfriend
Toni Rose – hindi matanggap na magkaibigan lang kami
Joy – laging libro ang hawak pero may kaharutan din pala sa puso


12 DAYS bago magtapos ang Semester:

PE class na naman at makikita ko na naman si Mr. Aguila, siguradong magulo na naman itong mangyayari. ITUTULOY….

No comments:

Post a Comment