Malapit ng magtapos ang klase sa semester na ito.. hay bakasyon na
naman! Yan ang una kong nabanggit pagkagising. Magtatapos na ang March at
huling klase na naming kay Sir Aguila este Lance pala “buti wala sya dito at
ayaw nagpapatawag ng Sir kung wala sa school”.
Bumangon ako para mag-breakfast, itlog at peanut butter at bread ang
nakita ko sa mesa kaya pinaghalo ko na ang tatlo. Sabin g kapatid ko, “anong
kinakain mo nakakadiri, may itlog at peanut butter?” sabay alis at lumabas ng
bahay. Bago paman makalabas ng bahay ang kapatid ko ay nasigaw kong “kare-kare
ang lasa at masarap naman”. Pagkasigaw ay nabulunan ako kaya uminom ako ng
lemonade.
Habang umiinom naalala ko ang sabi ni Lance, “mag-hihintay ako”.
Mabilis akong tumayo at lumabas ng bahay, sa garahe ako napunta at tumakbo ng
tumakbo ng paulit ulit. Kung sa panlasa na pinaghalong itlog at peanut butter
eh nakayanan ko baka pati makipagrelasyon sa lalake eh ma……. “ayoko ituloy ang
iniisip ko”. Nakakadiri… at unimon na lang ako ng lemonade dahil nawalan ako ng
gana kumain. Habang tinitignan ko ang itlog at peanut butter parang nagaya na
ako sa kapatid ko.
Naligo at nagbihis na ako upang pumunta ng klase sa PE kay Lance.
Nakatanggap ako ng text sa kanya habang nasa kotse ako. “Silver, huling araw ko
nap ala ito sa school. Nag-resign na ako, bukod sa mga co-teachers ko eh ikaw
palang sa mga estudyante ko nakaka-alam”.. “Wow, special pala ako” yan ang
inireply ko sa kanya para di masyadong mabigat dalhin. “DI ka lang special,
mahal kita alam mo yan”. Ang inaakala kong makakapag-pagaan ng sitwasyon sa
aking naman lahat bumagsak. Namula ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Naaalala ko na naman ang mga katagang “maghihintay ako”. Parang isang horror
movie na hinihintay mag-18th birthday at magiging aswang din. Hindi
na ako nagreply ng kung ano ano pa.. “See you sa klase Lance”.
Dahil maaga ang dating ko ng school, dumirestso ako sa cafeteria para
mag-iced tea. Nadatnan ko si Lhen doon at nagbe-breakfast. “Silver, ditto ka na
sa table ko.. share tayo dali”, anyaya sa akin ni Lhen. Pagka-upo naisip ko na
magtatanong na naman sya sa lovelife ko. “Wala pa..”, sambit ko sa kanya kahit
na walang tinatanong sa akin. “Alam ko” sabayanang pagsagot nya. “Di ka naman
nagpupunta ng mag-isa sa cafeteria diba?” dagdag ni Lhen. “Alam ko din naman na
bukod sa hawak mong iced-tea eh meron ka pang dahilan pag nagpupunta ka ditto”,
patuloy na salaysay nya. Bigla akong nalungkot dahil tama sya, “Oo Lhen, nagpupunta
ako dito kasi nung highschool dito kami nagkikita ni Irene, kahit papaano
parang gumiginhawa pakiramdam ko”, sambit ko sa knaya. “Hay, naku di
makakatulong yan at lalo mo lang pinapatagal agony mo” suhestyon ni Lhen.
Biglang tumayo si Lhen at niyakap ako, “ganyan talaga pag nagmamahal…”. Di man
tinapos ni Lhen ramdam ko ang bawat kahulugan nito. “Silver, may bf na pala
ako, akalain ko bang magkakaroon ng lalake sa buhay ko bukod sa inyo ng tatay
ko hahahahahah”. “Kaya treat ko, bibilhan kita ng cake nang malagyan ng tamis
buhay mo hindi puro bitterness”, sabi ni Lhen. “Hoy di ako bitter noh?, grabe
ka makapagbintang?”, pagtatanggol ko sa sarili.
Habang patuloy ang kwentuhan naming ni Lhen, di kalayuan nakita ko si
Lance at bakas ang lungkot sa mukha nya. Alam kong papunta sya ng cafeteria
pero din a tumuloy. Maya maya pa ay nag-ring na ang bell at oras na ng PE class,
“Lhen, una na ako ha?, congrats uli at alam kong deserve mo yan” pagpapaalam k
okay Lhen. Habang papunta ng classroom naisip ko na wala naman naikukwento si
Lhen na may nanliligaw sa kanya. Selos lang ba ito o sadyang natahi ko lang ang
pangyayari. Alam ni Lhen na wala na kami ni Irene at hanggang ngayon ay single
parin ako at bigla naman itong bumili ng cake na tila pinagcecelebrate pa
pagiging single ko. “Ay mali”, ako na nga nilibre at ang celebration ay para sa
bf nya hindi ako, pilit kong sinuksok sa isip ko dahil mali naman ang
napagtanto ko.
Sa loob ng classroom nagtagpo mga mata naming ni Lance pero matamlay
ito. “Nagseselos kaya sya sa nakita nya kanina?”, tanong ko sa sarili ko. Habang
tinatawag kami isa-isa upang malaman ang grades tila parang naluluha ang mata
ni Lance. Di ko naman sya matext at bawal ang cellphone sa class pero bahala na
eh sya naman ang itetext ko. “Lance, may dinaramdam ka ba? Ok ka lang ba? Ganon
talaga pag last day na, ganyan naramdaman ko sa highschool nung last day na namin.
Dito lang ako pag gusto mo kng kausap”. Nasend naman ang text ng biglang “Mr.
Guttierez, come over and give me you cellphone. No texting inside the room, is
that hard to bear in your mind?” galit na sabi ni Lance. Tumayo ako at iniabot
ko ang cellphone. “Andito ka na rin, here is your grade”, sambit ni Lance. “Thank
you Sir”, sagot ko kay Lance. Tumalikod ako at pumunta sa upuan ng mapansin ko
na parang sya naman itong nababahala sa naging reaction ko.
Matapos ang klase ay dali-dali na akong lumabas ng room at di na
nagpunta ng cafeteria. Habang palakad ako palabas ng school, tumawag si Lance. Pagkasagot
ko ng phone, “Silver, Im so sorry, ako pala ang tinext mo kanina at concern ka
lang kung may dinaramdam ako at ganon pa naging reaction ko”. “Ok lang yun Sir,
bawal naman talaga ang ginawa ko, sige po”. “Andali lang, pwede ba tayo magkita
at mag-usap ngayon?” sagot ni Lance at ayaw ipababa ang phone. “Sir, nasa may
labasan na po ako ng school” sagot ko kay Lance. “Hintayin mo ako pupuntahan
kita in just 2 minutes” at biglang binaba ni Lance ang phone. Naghintay ako sa
may labasan ng school at isang saglit lang ay may bumusina sa harapan ko. Kotse
ni Lance “Silver, tara?!”.
Lumapit ako at sumakay sa kotse ni Lance. “Kain tayo ng lunch habang
nag-uusap?” anyaya ni Lance. “Busog pa po ako Sir kasi kumain kami ni Lhen ng
cake kanina” sagot ko sa paanyaya nya. “Si Lhen?, yung kasama mo kanina?”. “Bat
Sir na naman ang tawag mo sa akin” dagdag nya sa tanong nya. “Opo Sir si Lhen
dahil meron na syang bf kaya nagcelebrate”, sagot ko sa tanong nya. “Hindi si
Irene yon?” tanong uli ni Lance. “Hindi po Sir, sa ibang school nag-aaral si
Irene at kaibigan ko si Lhen mula highschool pa”, patuloy kong pagsagot kay
Lance. “Sir, ano po bang sasabihin nyo?” ako naman ang nagtanong. “Pasensya na,
ayaw mo ba talagang maglunch?” tanong nya sa akin. “Hindi po Sir, naghintay
lang po ako kasi sabi nyo kung pwede pong mag-usap?” muling paghudyok ko para
malaman ang sasabihin ni Lance.
Nagpark malapit sa resto na may coffee shop si Lance at doon kami
nag-usap. “Silver, aaminin ko na nagselos ako at akala ko si Lhen ay si Irene.
Alam kong mali at di dapat ako nagselos dahil wala naman tayong relasyon.
Pasensya na talaga”, salaysay ni Lance. “Ok lang po Sir, pwede na po ba tayong
umuwi?” suhesyon ko sa kanya. “Wait lang Silver, naka-order na kasi ako,
sandwhich at iced tea?, ok lang ban a magtagal ng konte”? nababahalang sagot ni
Lance. Tumango lang ako at nagpatuloy ang pag-uusap naming ni Lance:
“Nagpasya akong magresign para di makaapekto ang trabaho ko bilang
guro at magfocus sa resto na ito. Ito yung resto na sinasabi ni Papa”. “Ngayon
lang ako nakaramdam ng ganito kaya kahit di ako sigurado sa magiging reaction
mo at mararamdaman eh sumugal na ako kahit na mahal ko ang pagtuturo”. Gusto
kita makasama sa buhay ko Silver sana mapagbigyan mo ako”.
“Sir, pasensya na po.. baka hindi po ako ang hinahanap nyo at nais
nyong makasama”. Sagot ko sa kay Lance. “Baka naguguluhan lang po kayo kasi”
dagdag ko sa kanya. Hinawakan ang kamay ko ni Lance at tinignan ako sa mukha
patungong mga mata. “Sabihin mo na di mo nararamdaman nararamdaman ko?”. Nagkatagpo
ang aming mga mata at kinakabahan ako “Hindi po Sir”, habang sumasagot ako ay
biglang tumulo ang luha ko at di ko alam kung bakit basta ang alam ko ang bigat
ng bawat sandal. “Pasensya na Silver, nagkamali ako.. Akala ko kasi….” sambit ni
Lance. Habang nakatingin sya sa akin tinanggal ko ang pagkakawak nya sa aking
kamay at bumuhos na rin ang luha ni Lance. “Lance… ok ka lang ba?”, muli kong
tanong sa kanya. “Ok lang..” gumagaralgal na sagot sa akin. “Mag-usap na lang
tayo sa susunod pag di na mabigat, daming nagyari ngayong umaga”, suhestyon ko
kay Lance.
Patayo na ako ng upuan ng biglang dumating ang Mama ni Lance sa resto
coffee shop. “Just right one time Silver, maglunch na tayo nila Lance” pagbati
ng Mama nya. “Pauwi na po ako”, sagot ko sa panyaya ng kanyang Mama. “Maglunch
na tayo Silver?, don’t worry ihahatid kita sa bahay” dagdag ni Lance.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Lance na ihahatid na ako. “Ma,
una na po ako at thank you pos a lunch” paalam ko sa kanyang Mama. “You take
case ha?, Lance drive safely” panghuling bati ng kanyang Mama.
Habang nasa kotse, “Silver, alam kong hindi ito tanggap ng mga tao
pero kung ano man ang magkakaroon tayo alam kong tanggap ng parents ko.. Boto
nga sila sayo diba?”, unang sambit ni Lance habang nagdadrive. “Ano ibig mong
sabihin Lance?” tanong ko sa kanya. “Kung magiging tayo, mga magulang ko lang
ang makakaalam nito at sa part mo mananatiling magkaibigan tayo sa kanila”
paliwanag ni Lance. Bago pa makarating sa kanto ng subdivision naming huminto
sa pagdadrive si Lance “Sa huling pagkakataon tatanungin kita, kung hindi mo
ako matatanggap eh lalayo na lang ako at irerespeto ang desisyon mo” muling
tanong nya. “Akala ko ba magkaibigan tayo at malinaw na sa atin Lance?” tanong
ko pabalik sa kanya. Hinawakan nya ang aking mga kamay at nagsabing “kaya mo ba
akong mawala” sabay patak ng luha nya. “Ihatid mo na lang ako Lance…” sagot ko
sa tanong nya. “Tinatanong kita kaya mo ba… talaga… dito na lang?...” sagot
habang umiiyak at nakatingin sa akin. Napasandal ako sa upuan ng kotse at
naluha sabay pumikit ang mga mata ko. Umiling lang ako at mahinang sumagot ng “hin…di…”
kay Lance. Yumakap ng mahigpit si Lance at umiyak. “Mahal kita Silver” bulong
nya sa aking dibdib habang nakayakap. Niyakap ko din sya at sinabing “mag-usap
tayo muli sa ibang araw gaya ng sabi ko kanina”.
Pagkauwi ng bahay, “alam kong kaibigan lang ang turing ko kay Lance”. “Ganito
ba talaga si Lance?” muling tanong ko sa sarili. ANG KANDILA AY NAMAALAM NA NG
LIWANAG NGUNIT ANG HUMAHAWAK NITO AY HIGIT PANG MATIBAY NA UMILAW…. MAS
MALIWANAG PA SA HAWAK NITONG KANDILA…
Nagdaan ang mga araw at maayos naman ang lahat. April na at bakasyon
na tamang oras para magpahinga at magmuni-muni at maglibang. Mahilig akong
magpinta sa likod ng bahay malapit sa garden. Summer kaya ang ipinipinta ko ay
dalampasigan at maaliwalas na ulap. Dahil sa alinsangan tinanggal ko na ang
t-shirt ko at baka malagyan pa ng pintura. May kumakatok at sabi ko sa kapatid
ko, “Ate si kuya boyfriend mo andito, buksan mo ang gate at mag pintura kamay
ko” pakiusap ko sa kapatid ko. “Tao po?”
pagtawag muli ng bisita. “Nasa bahay siya at kausap ko, kaya sayo bisita yan”
sagot ng tamad kong kapatid. Kung tutuusin pareho kaming tamad. Paglapt ko sa
gate habang nagpupunas ng basahan at thinner sa kamay, nakita ko si Lance ang
kumakatok sa gate. “Ikaw pala yan Lance, tuloy ka..” habang pumapasok ng gate. “Pasenysa
na at nagpepaint kasi ako kaya di kaagad ako nakalabas” paliwanag ko sa pagkahuli
ko ng bukas ng gate. “Ok lang Silver” sagot sa akin. Nakatitig lang si lance sa
dibdib ko patungong tyan na tila pinagmamasdan bawat detalye ng katawan ko. “May
pintura ba ako?” tanong ko sa kanya. “Wala naman, balbon ka pala?!” sagot nya.
Pagpasok sa loob ng bahay ay isinuot ko ang sando ko at kumuha ng juice para
kay Lance.
“Lance dito ka na maglunch ha? para may kasabay ako kasi sina ate
aalis sila ng boyfriend nya para may kasabay akong kumain” paanyaya ko sa
kanya. Mabilis na sumang-ayon si lance
at “anong paborito mong ulam?” tanong ko sa kanya. “Mmmmh?, hindi sya ulam
talaga at may ulam din… paella?” naisip na ulam o pagkain ni Lance. “Yun lang
pala eh, okay lulutuin ko is Paella Valencia para sayo” sambit ko kay Lance. “Wow
marunong ka pa lang magluto at Paella Valencia pa hirap lutuin nun ah” dagdag
ni Lance. “Alam mo nang mahirap lutuin yun pa sinabi mo ha?!” pabiro kong sabi
sa kanya.
“Lance kuha ka ng short sa kwarto ko at mag-palit ka tapos magswimming
ka muna dyan habang nagluluto ako, ok?”. Habang nagswiswimming si Lance bumaba
naman si ate at dumating na si kuya-boyfriend nya. “Bunso sarap ng luto natin
ha?” bati ng kuya-boyfriend ng kapatid ko. “Ate dito ba kayo maglalunch o sa
labas?” tanong ko sa kapatid ko. “Dito na parang masarap yang niluluto mo eh”
sagot nya.
“Okay, pakitawag si Lance sa may pool ate at ihahain ko na to, Kuya
pakitulong naman ako?”. Dali-dali kaming naghain sa mesa. Paella Valencia,
pulang itlog, kamatis, danggit, suka, buko pandan salad at iced tea ang
nakahain sa mesa. “Lance, pagpasensyahan mo na di ka kasi nagsabi na dadalaw eh”
paabiso k okay Lance. “Wala kasi parents namin kaya sariling sikap kami dito sa
house at walang katulong” dagdag ni ate. “Paborito ko nga lahat ng nasa mesa
lalo na ang itlog na pula at danggit na may kamatis” excited na kumento ni
Lance. Halatang nagustuhan ni Lance ang inihain ko at naubos naming apat ang
pagkain. Nagpaalam na sila ate at kuya-boyfriend at si Lance ay nagshower at
tapos na magswimming at para makapagbihis na sya.
“Silver sya nga pala, kaya ako nadalaw yayain kita mag-out of town
kasama sina Mama at Papa pati si Yaya Mareng” tuawang tuwang sabi ni Lance. “Saan
at ilang araw?” tanong ko sa kanya. Sa El Nido, 5 days tayo dun kung ok lang
sayo?”. Naisip ko since bakasyon naman at walang gagawin ok lang sumama. “May
ticket ka na pala at lahat sina Papa ang sumagot” pagbibida ni Lance. “Nakakahiya,
pacancel mo na lang yung ticket at di na lang ako sasama”, pagtatanggi ko. “Ano
ka ba?, tatanggi ka pa sa birthday ko? Nakakalungkot naman yan?” malungkot na
sabi ni Lance. “Okay sige na hahahaha, makapangunsensya ka ha?” sambit ko sa
kanya. Tuwang tuwa at magpapaalam si Lance at pupunta pa ng resto coffee shop.
ITUTULOY………….
No comments:
Post a Comment