Friday, February 8, 2013

PAGPAPATULOY…KANDILA O LAMPARA 3rd



PAGPAPATULOY…  (Pagliyab ng Kandila’t Lampara) 3rd

Lunes ng umaga at maaga akong nakapag-ayos upang pumasok ng PE class. Habang hinihintay ko ang aking kapatid upang ihatid ako sa school, kinuha ko ang isang supot ng kandila at kumuha ng isa. Sinindihan ko ito at iniligay ko sa altar. Kaunting katahimikan at pagpapasalamat para sa biyayang natanggap ko.

Sa wakas ay babyahe na kami papuntang school. Habang bumabaybay naalala ko ang huling usapan naming ni Sir Aguila. Kinakausap pala ako ng kapatid ko habang nagmamaneho ito ngunit di ko napansin kaya binatukan ako at ang sabi ay “Ayan, ang agang nagising pero ang utak nasa kama pa rin”. Tuloy pa rin ako sa pag-iisip dahil di ko alam kung ano mangyayari sa pagkikita naming ni Sir Aguila. Alam kong di dapat ako mabahala gaya ng ginagawa k okay Sir Marquez, ngunit alam kong mas makabuluhan ang pag-uusap naming ni Sir Aguila dahil sa kanyang confession.

Di nagtagal ay nasa school na ako at papalakad sa hallway papuntang gym. Nakita ko si Sir Aguila na papalakad din sa direction ng hallway at patungong gym. Sinadya kong bagalan ang aking paglalakad upang makaiwas dahil di ko alam ang sasabihin ko o magiging reaction. Lumingon si Sir Aguila at nakita nya ako. Tumigil ito at ako ay kanyang hinintay. “Good morning Silver”, yan ang bati sa akin ni Sir Aguila. “Good morning Sir”, tugon ko sa pagbati nya. “Kumusta ka?, di ka na sumagot sa huli nating text?, tinatawagan pa kita pero biglang naka-off ang cellphone mo?. Nagbago ka na ba ng number?” tanong nya sa akin”. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagtatanong at biglang banggit nya ay “galit ka bas a akin?, sorry kung sag anon ko sinimulan ang usapan natin. Di ko kasi alam kung paano ko sasabihin sayo”.

Sa pagkakatitig ko sa kanya habang nagsasalita sya, pansin ko na nabahala sya pero di nya pinapahalata. “Okay lang Sir, may nangyari kasi kaya di na ako nakasagot” unang sagot k okay Sir Aguila. “Gusto mo bang pag-usapan habang umiinom ng iced tea?” sunod na tanong nya sa akin. Tumango ako at napansin na umaliwalas ang kanyan mukha at ngumiti na si Sir Aguila.

Habang nasa cafeteria at umiinom ng iced tea ay nag-usap kami;

“Anong masasabi mo nung sinabi kong ako iyon?”

“Sir, ok lang po. Di na po ako nakasagot dahil pagkabasa ko ng text nyo natulala ako. Sabay na biglang nag-vibrate ang cellphone ko at nabitawan ko. Pagbagsak nasira po at din a nakatext sayo. Ayaw ko naman pong makitext dahil maselan ang sitwasyon”.

“Ganun ba?, Salamat Silver. Di ako nagkamali ng magsabi ako sayo ng sikreto, ang luwag sa dibdib at ok naman pala. Sya nga pala?, edi wala kang ginagamit sa cellphone? Paano na tayo mag-uusap nyan? May spare ako sa bahay at kung gusto mo papahiram ko syo?”.

“Sir ok lang po, nasa pagawaan na at makukuha ko mamaya, dinala kasi ng kapatid ko kanina. Sir nagpapasalamat po ako at pinagkatiwalaan nyo ako sa sikreto nyo. Nagulat lang talaga ako dahil marami humahanga sa inyo sa school natin.”

“Sir, matanong ko lang?, totoo bang nakita mo ang aking ……?”

“Hindi binibiro lang kita nun, kasi ang balahibo ng binti mo at nakashorts kayo diba, wag mong isipin yon at pasensya na uli dahil may pagkabastos”.

“A, wala yun Sir”.

Tumunog na ang bell at senyales na mag-uumpisa na ang klase. Pag nasa loob ng klase ni hindi tumitingin sa akin si Sir Aguila. Marahil ayaw nyang makahala ang mga kaklase ko. Naguguluhan ako kung galit parin ito sa di ko pagsagot pero ok naman ang usapan naming sa cafeteria.

Maya-maya pa ay patapos na ang klase “Class see you next week” ang sabi ni Sir Aguila. Dali-dali kaming tumayo at papalabas ng kwarto ng biglang tinawag ako ni Sir. “Mr. Guttierez, come over please?”. Lumapit ako habang palabas ang mga classmates ko. “Ano po yun Sir?” tanong ko sa kanya. “Birthday ng Papa ko ngayon at iimbitahan sana kita sa bahay kung wala kang gagawin tonight?” sagot ni Sir Aguila. “Wala naman po Sir, pero may klase pa po ako hanggang 09:00 ng gabi”, sagot ko sa kanya. “Ah, ganon ba?, ok lang kung gusto mo sunduin kita pagkatapos ng klase mo” suggestion ni Sir. “Sige po Sir, text ko po kayo mamayang hapon pagkakuha ko ng cellphone ko”. “Sir, aalis nap o ako at dadaanan ko pa po yung cellphone” paalam ko kay Sir. “Sige Silver, mag-ingat ka at aasahan kita mamayang gabi ha? sagot ni Sir”.

Habang naglalakad ako palabas ng kwarto lumingon ako uli kay Sir. Akala ko din a sya nakatingin ngunit nagkamali ako at pinagmamasdan pala ako. Ngumiti ako at sabay kumpas ng kamay para mag-paalam muli. Mabilis ako pumunta sa cellphone shop malapit sa school at binayaran ko ang repair fee. Na-eexcite akong magamit muli ang cellphone ko dahil baka nagtext na ang mga kaibigan ko.

Nang pauwi na ako pagkagaling sa cellphone shop, isinindi ko ang cellphone ko at sabay sabay ang mga text dahil sa patulo na pagvibrate nito. Naisipan kong sa loob na lang ng jeep ko ito babasahin at delikado sa daan. Nakatanggap ako ng text mula sa mga kaibigan ng forwarded quotes at messages. At dalawang text galing kay Sir Aguila:

“Silver, nasabi ko na ang dapat mong malaman at kung sakali magbago isip mo kalimutan mo na lang na nagyari ito. Salamat sa time”

“Tumatawag ako pero di mo sinasagot, kausapin mo naman ako pls?”

Di ko na inisip ang mga text messages dahil nag-kausap na kami ni Sir Aguila at ayos naman na ang lahat. Gaya ng isang Lampara, iba man ang dulot na liwanag nito kumpara sa kandila, parehong nagbibigay liwanag at liyab. Sa unang tingin ay parang walang pag-kakaiba dahil pareho ang kanilang silbi pero ibang materyales ang pagkakagawa.

Nakatulog ako dahil sa napagod ako sa PE class kaninang umaga at late na ako sa subject na English ng makadating ako. Dahan-dahan akong pumasaok ng classroom at nakita ako ni Sir Alonzo. Di naman ako sinita at ngumiti pa sa akin. Pagkaupo sa silya ko, bati ni Jeff “Ayos, ha? di ka man lang sinita ni Sir tapos nginitian ka pa?”. “Bakit, Jeff?” patanong kong sagot. “Eh buong klase alam naman naming may gusto sayo si Sir kahit na sinasabi nyang may girlfriend sya, ikaw na lang yata di nakaka-alam nun”. “Hindi pare, di naman bakla si Sir diba?”. “Ewan ko sayo pare”, sagot ni Jeff.

Habang nag-quiquiz kami sa English subject ay umiikot si Sir Alonzo at pinagmamasdan kami para masiguradong walang nagkokopyahan. Lumapit sa akin si Sir Alonzo at mungkahi nya “Review the 4th item and you’ll get perfect score”. Nagulat lang ako at inintindi ang kanyang mungkahi. “O, ayan binigyan ka pa ng clue. Sa tingin mo walang gusto sayo si Sir?, kilabot ka ng mga bading pare!” sabi ni Jeff. Pinagmamasdan pala kami ni Sir Alonzo at biglang lumapit at kinuha ang mga papel namin. “Parang galit na hinablot ni Sir ang quiz paper namin ni Jeff. Sabi ni Sir “No cheating”. Namula ako dahil sa hiya at nakatingin sa amin ang buong klase. Di naman ako nangopya dahil wala naman sagot si Jeff at ako tapos ko na ang quiz.

Biglang tumayo si Jeff “We’re not cheating” pikon na pagkasabi. “Tell me, help me to understand what are you doing before I confiscated your quiz papers?” sagot ni Sir Alonzo. “I want to talk to both of you after the class”, dagdag ni Sir Alonzo.

Tapos na ang klase at lumapit kami kay Sir Alonzo. “Pare tahimik ka lang ha?, ako na kakausap kay Sir” mungkahi k okay Jeff. Paglapit sa table ni Sir Alonzo, “Sir, di po kami nagkokopyahan ni Jeff, may naikwento lamang sya tungkol sa napupusuan ko na guro. Di kasi nya alam at galit na yata sya. Di nap o mauulit Sir”. Biglang umaliwalas ang mukha ni Sir Alonzo at ang sabi ay, “Ok, wag nyo na ulitin ha?, you may go now”. Nawala ang kaba ko sa dibdib pagkatapos n gaming usapan pero alam kong malaking problema ito dahil di ko naman talaga napupusuan si Sir at sinabi lang iyon para mawala ang galit. “Pare tignan mo kinilig ang putsa?!”, sambit ni Jeff pagkalabas. “Tama na pare, buti naisipan kong gawin yun. Ok na kaya tama na”. Dahil dun, nakumpirma ko na may gusto nga si Sir Alonzo sa akin. Sa tagal ng panahon na di man lang sumagi sa isip ko.

Habang papalakad dahil tapos na ang klase napagtanto ko na, bakit nagkakagusto sa akin ang mga bading na propesor tuloy natatakot ang mga classmate ko na babae mapalapit sa akin. Hay, badtrip talaga, mas mabuti pa nung ugly-duckling pa ako eh mas tahimik at di complicated buhay ko. Madalas tuksuin pero parang wala lang sa akin dahil siguro namanhid na ako. Kandila siguro ako sa gitna ng dilim, nakikita at napapansin kahit di ninanais makita ng iba. Tanging ilaw sa dilim na nagbibigay liwanag. Maaring naging dahilan ako para makita nila ang sarili nila at makawala sa matagal na pagtatago. Maganda bang maituturing ito o gaya ng isang sumpa?.

ITUTULOY…

No comments:

Post a Comment