Friday, March 8, 2013

Petals of Dandelion


 Ika-05:26 ng umaga, nagtimpla ako ng tsaang chrysanthemum. Sa Europa ang bulaklak ng chrysanthemum ay para sa mga patay at nagdadalamhati. Gayun pa man, ito ang gusto kong lasa sa tsaa. Habang hawak ko ang tsaa, sabay ko naman binitbit ang kumot upang magpunta sa likod bahay kung saan may bermuda at mga halaman.


Inilatag ko ang kumot upang makahiga at pagmasdan ang bukang liwayway. Unting unting lumiliwanag at silahis ng araw ay kay sarap damhin. Tila nag-aagaw ang lamig at init ng kalangitan. Sa di-kalayuan kung saan ako nakahiga ay mayroong halaman na puti at nakapalibot ang mga mabalahibong bagay, “Dandelion”.

Habang pinagmamasdan ko ito, unti-unti akong nalulungkot at kumunot ang noo ko. Sumikip ang dibdib at naluluha. Bumangon ako upang umupo at makita ng mabuti ang talulot ng Dandelion. Habang patuloy ang nararamdaman kong pagkalungkot, hinipan ko ang talulot at sumabay sa ihip ng hangin ang mga talulot nito.

Habang pinagmamasdan ko ang paghalo nito sa hangin ng paitaas, nakita ko ang sikat ng araw at di ko na nakita ang lumipad na talulot ng Dandelion, marahil sa liwanag at sikat ng araw. Muli kong pinagmasdan ang talulot nito at sa pagkakatitig, bigla akong humagulgol sa iyak at pinagmasdan na maubos ang talulot ng Dandelion.


Ang pananaghoy ng hinanakit at hugot ng kalungkutan ang bumalot sa kalooban ko. Kahit anong pagluha’t iyak ang aking gawin wala na.. Pag nawala ang mahal mo sa buhay, gaya ng talulot ng Dandelion ay unti-unti itong dadalhin ng hangin. Kahit anong pigil mo ay doon paroon ang kanyang tadhana.


Tumayo ako at naglakad ng kaunti habang sinisinok dahilan ng pag-iyak ko. Sa di-kalayuan natanaw ko ang malawak na taniman ng Dandelion, sabay-sabay na lumilipad ang talulot nito. Napangiti ako dahil alam kong di nag-iisa ang mahal ko sa buhay. Gaya ng ibang talulot may kasama pang ibang talulot. Napawi ang aking pakiramdam at nakahinga ng maluwag. Sa tagal ng panahon na kinimkim ko ito, sa wakas nakaraos din.


Ngayon, napapa-isip ako.. Dandelion o Chrysanthemum?..




Thursday, March 7, 2013

PANAGINIP




 
 Alay sa isang Blogger na mahilig sa kaharian...
 
 Dreams are successions of images, ideas, emotions, and sensations that occur involuntarily in the mind during certain stages of sleep.

Sa bawat pikit ko sa gabi ng pagtulog, lagi akong nagnanais makapanaginip ng magagandang bagay. Isang malawak na palaruan at may lumilipad na eroplano na may mahabang takbuhan papunta sa bahay.


Ngunit sa bawat magagandang pangyayari alam kong may kapalit na nakakatakot. Nais mong magising pero di matapos tapos ang pagtakbo mo hanggang madapa ka at mapalingon. Ang dating matingkad na kulay ay pinawi ng kulimlim.


Kailangan lumaban, KAILANGAN.. Panaginip man ay may dalang mensahe sa bawat indibidwal. Ngunit bawat panaginip ang balot ng madaming tanong. Pagkatapos mong mapagod at maluha sa takot biglang may liwanag na kung saan nanggaling.

Marami sa atin na ayaw ng magising kung kanais-nais ang tema ng panaginip. Kung mananatili kang matutulog at mananaginip marahil ay napag-iwanan ka na ng panahon. Ang panaginip ay mensahe mula sa kaibuturan ng bawat isa sa atin. Di madalas mangyari o ang iba di na maalala ang kanilang huling panaginip. Tama lang na matuwa sa panaginip ngunit ang tunay na ligaya at saya nasa totoong panaginip.. "ANG MULAT NA BUHAY"...

Thursday, February 21, 2013

SUNDO (Handog Para sa Mahal na Araw)



"Ang Sundo"


Noong musmos pa lang ako, nais kong makakita ng Anghel. Isang napakaliwanag at lumilipat na taong may pakpak habang kinakausap ka sa pamamagitan ng isip lamang. Maging sa mga programa’t pelikula lagi akong nakaabang upang makapanuod. Tila isang pangarap ang natutupad sa bawat panuod ko ng mga may temang Anghel. Simula pagkabata ay naniniwala ako sa mga nilalang gaya ng isang Anghel na tumutulong at nagliligtas sa mga taong may taimtim na paniniwala at kabutihan.

Ngunit sabi nila kapag musmos ka lamang sila pinapaniwalaan at di maglalaon sila’y makakalimutan at magiging matangdang kasabihan na lang sila gaya ng sirena, aswang o engkanto at madami pang iba. Nakakalungkot na ganoon ang paniniwala ng iba sa kanila. Madalas na hindi sila pinapansin dahil maituturing silang tao-sa-gigilid; dahil hindi sila diyos at madalas gamitin pampadagdag lamang sa eksena.

“Isang parte ng aking buhay”:

LUMAKI SA HIRAP ANG AMING PAMILYA. SANAY MAGBANAT NG BUTO SA UMAGA AT ANG KAIN LAMANG AY SA TANGHALIAN AT TUBIG NAMAN HAPUNAN. KAHIT DAMA ANG HAPDI NG TYAN AT PILIT NA IPIPIKIT ANG MGA MATA UPANG MAKATULOG. TULUGAN NA KARTON AT KUMOT NA PUNIT-PUNIT HABANG NAGSISIKSIKAN AT BAWAL GUMALAW SA PAGKAKAHIGA. PAG-GISING SA UMAGA SABAY SABAY KAMING MAGDADASAL AT MAGPAPASALAMAT.

SA BAWAT PANALANGIN AKO AY NALULUHA DAHIL TUNAY NA DAPAT AKONG MAGPASALAMAT AT NABUBUHAY PA KAMI KAHIT NA KAHARAP AY KAHIRAPAN. NANG DAHIL SA KAHIRAPAN AT SITWASYON NG AMING PAMILYA SINUBUKAN KONG MAG-MAYNILA AT MAKAHANAP NG KAHIT ANONG TRABAHO. NAMASUKAN AKO BILANG TAGAPAGPALA NG LUPA AT TAGAPAGSIMENTO NG PADER. DAHIL HINDI SANAY SA PERA AKO’Y TUWANG TUWA SA NATATANGGAP KO NA SAHOD NA SIYA NAMANG IPINAPADALA KO SA AKING INA NA NAG-AALAGA SA DALAWA KONG KAPATID NA BABAE.

NAKULONG ANG AKING AMA DAHIL SA PAGNANAKAW NG GATAS SA ISANG TINDAHAN. HINDI NAMIN KAYANG BAYARAN ANG PIYANSA KAYA NANATILI SYA SA KULUNGAN. MABUTING TAO ANG AKING AMA AT NAAALALA KO ANG SAMBIT NYA “Nagawa ko ito anak dahil mahal ko kayo pero hindi ito ang mabuting paraan kaya ako naririto. Huwag mong pamarisan ang gawa ko”. SA TUWING NAIISIP KO ANG BAWAT LINYA NG SAMBIT NYA GUSTO KONG SUMIGAW AT MAGALIT DAHIL WALA AKONG MAGAWA.

DAHIL SA PINAGSIKAPAN KO ANG AKING TRABAHO, BINIGYAN AKO NG PAGKAKATAON NA PAHABAIN ANG AKING KONTRATA SA KONSTRAKSYON AT MAKAKUHA NG BENIPISYO PARA SA AKING MGA KAPATID AT MAGULANG PARA SA KANILANG KALUSUGAN AT SEGURIDAD. SA TUWING HIGA KO SA GABI BAGO MATULOG PAULIT-ULIT KONG SINASAMBIT ANG PASASALAMAT SA MAY KAPAL. TUNAY NA HINDI KA PABABAYAAN.

ISANG UMAGA IPINATAWAG AKO NG AKING TAGAPAMAHALA UPANG GAMPANAN ANG TRABAHO NG AKING KASAMA DAHIL HINDI ITO NAKAPASOK NANG DAHIL SA KARAMDAMAN. PAPALAPIT AKO SA LOKASYON NANG BIGLANG GUMUHO ANG PADER NG GUSALI NA AMING GINAGAWA AT HUMAMPAS ANG BAKAL AT NATABUNAN AKO NG MGA KONKRETO.  NAWALAN AKO NG MALAY NOON AT HABANG NASA OSPITAL NARIRINIG KO ANG BOSES NG AKING INANG UMIIYAK. BOSES NA HINDI KO MAKITA KUNG SAAN NANGGAGALING.

PINILIT KONG SUNDAN ANG TINIG AT PINILIT KONG BUMANGON SA KAMA PERO HINANG-HINA AKO. NAKITA KO ANG BABAENG MAY PAKPAK NA NAPAKAGANDA AT KUMIKINANG. “ANGHEL PO BA KAYO?” UNANG TANONG KO SA KANYA. “AKO ANG IYONG SUNDO HUWAG KANG MATAKOT O MANGAMBA” SAGOT NIYA SA AKIN. “SAAN PO TAYO PUPUNTA?, SA LANGIT PO BA?” MULING TANONG KO. “AKO ANG IYONG SUNDO” TUGON NYA SA AKIN. “AYOKO PO, DI KO KAYANG IWAN ANG AKING MGA KAPATID AT MAGULANG, HINDI AKO SASAMA SAYO. ANG BUONG AKALA KO AY ILILIGTAS MO AKO AT TUTULUNGAN PERO BAKIT GANITO?”, UMIIYAK NA SABI KO SA ANGHEL. “IHAHATID KITA UPANG MAKABALIK KA SA PAMILYA MO”, SAGOT NG NAKANGITING ANGHEL. “INIABOT KO ANG AKING KAMAY AT PATULOY SA PAG-IYAK.

PAG-GISING KO SA OSPITAL NAKITA KO ANG AKING INA AT NAGDADASAL NG ROSARYO. ANG AKALA KONG SAGLIT NA PAGKAKATULOG AY 4-APAT NA LINGGO NA PALA. NAKITA KONG NAKABENDA ANG MGA BINTI KO DAHIL PINUTOL NILA ITO GAWA NG PINSALA NA BUMAGSAK SA GUSALI. UMIIYAK AKO HINDI DAHIL WALA NA ANG AKING PAA NGUNIT DAHIL HINDI NA AKO MAKAKAPAGTRABAHO PA. MAS MABUTI NA YATANG HINDI NA AKO SUMAMA SA “SUNDO” PARA DI NA AKO MAGIGING PABIGAT SA PAMILYA KO. NUNG ARAW NA YUN AY LUMABAS DIN KAMI NG OSPITAL AT UMUWI NG PROBINSYA.

MAKARAAN ANG ILANG ARAW NA NASA PROBINSYA AKO, MAY DUMATING NA SULAT GALING SA INSYURANS AT MAKAKATANGGAP DAW AKO NG SUPORTA SA KUMPANYA AT GOBYERNO. MGA KAPATID AT MAGULANG KO AY MAKAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL. PARTE NG PERA AY PINAMPYANSA NAMIN SA AKING AMA AT SYAY NAKALAYA.

ANG AKING INA AY MAY MALIIT NA TINDAHAN HABANG NAG-AARAL ANG AKING MGA KAPATID. SI AMA AY NAG-AALAGA NG MGA BABOY AT KAMBING. TUNAY NGA SIGURONG TUMULONG AT TAGAPAGLIGTAS ANG ANGHEL NA NAKITA KO. ANG MGA ANGHEL AY KAAGAPAY NG PANGINOONG DIYOS UPANG KABAYAN ANG MGA TAO. AKO AY LUBOS NA NAGPAPASALAMAT AT ALAM KONG MULI KAMING MAGKIKITA NG AKING “SUNDO” SA TAKDANG PANAHON.  NGUNIT SA NGAYON AKO AY MAGBA-BLOG MUNA.

SALAMAT….

Tuesday, February 19, 2013

PAGPAPATULOY… KANDILA O LAMPARA 8th



PAGPAPATULOY… (Ang Pag-Iisa) 8th


Napakabilis ng oras at hapunan na dahil nalibang kami ni Yaya Mareng sa kakaswimming. Ang hapunan ay inihaw na pusit at mga isda na ngayon ko lang nasilayan, ang iba naman ay kulay bughaw at may kulay berde rin. Masaya ang salo-salo at biglang “Iho, masaya ka ba sa bakasyon?”, tanong ng Papa ni Lance. “Opo parang nagkapamilya ako bigla kasi wala po mga parents ko dito”, sagot ko sa Papa nya. “Don’t worry Iho kami man ay pamilya turing naming sayo at masaya kami na magkakasama tayo”, dagdag ng Mama ni Lance. “Salamat po”, pasasalamat ko galing puso. “Ako din Madame parang alaga na turing ko kay Sir Silver”, pasada ni Yaya Mareng. “Yaya Mareng salamat at ikaw naman parang Lola ko na din hahahaha”, pabirong sabi ko habang nagtatawanan kami at nasa likod nya si Lance. “Yaya ano nasa balikat mo?”, tanong ni Lance. Pagtingin ni Yaya Mareng, isang malaking ulo ng lobster na nilagay ni Lance. “Yaya Mareng di ka man lang nagulat o natakot?”, tanong ni Lance. “Aba Sir Lance, dati nga akong sirena at alaga ko yan hahahaha”, pagmamayabang ni Yaya Mareng.

Tila ang haba ng hapunan at busog na busog kami. Nagpasya kami nila Yaya Mareng na magkape kasama si Lance. “Silver, kape ka ba?”, tanong ni Lance. “Bakit naman”, sagot ko sa kanya. “Kasi sa tuwing nandidito ka pina-palpitate ako”, punch line ni Lance. “Eh luma nay an Sir Lance”, ani Yaya Mareng. Dapat mga bagay sa dagat ang bira gaya nito “Mga Sir, pusit ba kayo?”, tanong ni Yaya Mareng. “Huh, pusit?” tanong ko at si Lance naman “Bakit Yaya Mareng”. “Kasi guto ko kayo i-push-it sa sobrang kakornihan” sabi ni Yaya Mareng sabay taas ng kilay. “Ako naman” sabi ko sa kanila. “Lobster ka ba Lance?” tanong ko sa kanya. “Lobster? Bakit? “Kasi gusto ko mag-sign in sa Lobster site mo”, tawanan kami ni Yaya Mareng at nag-apir pa. “Panalo ka Sir Silver, parang Friendster at mag-sasign in hahahah” tuwang tuwang sabi ni Yaya Mareng. Si Lance naman ay nanahimik. “Lance napikon ka ba?”, tanong ko sa kanya. “Hindi, sana nga lobster na lang ako”, sagot nya sa akin. “Hay nako teledrama na naman si Sir Lance”, hirit ni Yaya Mareng.

Sa pagod sa buong araw na activities, nagpasya kaming magpahinga na kaagad at may birthday party pa si Lance bukas.

“Lance una na ako maligo kung ok lang?”, tanong ko sa kanya. “Sige walang problema”, tugon nya sa akin. Sa banyo nagsindi ako ng kandila habang naliligo para marelax sa amoy ng Lilac scent. Masarap ang temperature ng tubig dahil sa maligamgam ang tubig. Habang nagtutooth-brush ako at nakaharap sa salamin natanong ko ang sarili ko “kaya mo ba talaga ito?, pano mo sisimulan?, ano ang dikta ng puso ko”. Di ko maramdaman ang sarili ko dahil wala naman yata talaga akong nararamdaman at nadadala lang sa sitwasyon na sila ang kasama ko. Pagkalabas ng banyo, “Silver hilig mo magsindi ng kandila noh?”, tanong ni Lance. “Natutuwa kasi akong pagmasdan ang ilaw nito” sagot ko. “Wag mong tititigan ang ilaw nito kasi mawawala ang paningin mo ng pansamantala”, paliwanag nya sa akin. “Yun nga ang gusto ko mangyari eh para makapagfocus lang ako sa isip at nararamdaman ko kaya ako narerelax bukod sa amoy nito” paliwanag ko sa kanya habang nag-susuot ako ng boxer short. “Ah ok”, huling sagot bago sya pumasok ng banyo.


Pagkasandal ko sa kama at dina nakuhang mag-tshirt ay nakatulog na ako at  di na nahintay si Lance dahil na rin sa sobrang pagod. Naramdaman ko na may init na dumadampi sa aking dibdib patungo sa nipple ko ng paulit ulit at patungo sa leeg ko. Pagbukas ng mata ko ay hinahalikan ni Lance ang dibdib ko at hinahaplos ang balahibo ko sa dibdib habang nakapikit sya. Pagtungo sa aking leeg ang mga labi nya ng magkatagpo ang aming mga mata at napahinto sya. “Sorry…”, sambit nya sa akin. Hindi na ako sumagot at hinawakan ko ang maamo nyang mukha at sya ay hinalikan ko. Matinding yakap habang nabubuhay ang alab ng kandila. Hinawakan nya ito at nagulat dahil di nya inaasahan ang paglarga ng lampara. “Mahal kita Silver, paulit ulit kong sasambitin yan”, habang magkadikit ang aming katawan. “Mahal din kita Lance, at anu man mangyari ngayon ay pinagkakatiwala ko sayo”, sagot ko sa kanya. Di man ako bihasa sa pakikipagtalik ay tila may musiko na sinusundan ang aking katawan sa pagkilos at paggalaw. Unang gabi at unang pagkakataon na nakaramdam ako ng walang kaba o bahala. Tila ang haba ng gabi at ayaw na naming mag-umaga dahil sa nararamdaman naming sa bawat isa. Sabay umusok ang aming kandila at namaalam ang liyab nito. Nakatulog kami ni Lance pagkatapos ng pangyayari at din a nakapagdamit. 

Nagising ako dahil pasikat na ang araw at bumati na ako sa kanya, “Happy birthday Babe”, habang siya’y nakapikit. Nagulat ako ng biglang “Sweet ng Babe ko”, sagot ni Lance. Gising na pala ito ngunit hindi bumangon at nanatiling nakadampi sa dibdib ko pagkatapos ng mahabang gabi. “Bangon ka bago pa dumating si Yaya Mareng”, paalala ko sa kanya. Nanatiling nakahiga si Lance sa kama dahil napagod sya sa aming ginawa. Pagbangon  ko nakalimutan ko na wala pala akong suot kaya kitang kita ni Lance ang katawan ko at nagagalit na alaga. “Kaya pala pinapabangon mo ako Babe ha?” naka-smile at flirty na sabi ni Lance. Tumayo sya at nasilayan ko ang maputi at makinis nyang katawan. Sadyang ipinakita nya ang matambok nyang likuran na parang nangungusap. “Sabay tayo maligo?”, tanong nya habang nakatayo ako at lalong nangalit dahil sa nakita ko. Dahil nasa resort-hotel kami, napaloob sa box mirror sa banyo ay may condom at binuksan nya ito at tumanggi ako. “Ayoko, wag ngayon. Alam kong pinagkakatiwalaan kita pero wag ganyan kabilis”, pagtutol ko habang nasa loob kami ng banyo. “Babe, don’t worry. And besides ikaw ang una ko sa lahat ng ito pati yung kagabi”, habang isinusuot sa akin ang condom na hawak nya. “Gusto kita maramdaman lalo, dahan-dahan ha?” paalala nya sa akin. Habang bumubuhos ang shower ay sya rin ang buhos ng init ko habang nakikita ang reddish nyang nipples at mapupulang labi. Nakatalikod sya sa akin habang lumalapat ang matambok nyang likuran na napaka-kinis. Ang init ng pagmamahal ay lalong dumadaloy. Dahi unang pagkakataon ito ni Lance, “Babe di ko kaya.. masikip pa kasi.. tapos malaki  sayo.. Im sorry…” nalulungkot na sabi ni Lance. “No problem Babe, ok lang”, sagot ko sa kanya at hinawakan ang kanyang maamong mukha at humalik ako sa mga labi nya. Magkayakap kami habang nagshashower at naglalapat ang aming katawan. Yakap na napaka-intense at sana di na matapos. Lalong tumindi ang paglapat ng labi, kamay sa kamay, braso sa braso habang magkayakap, binti sa binti at pagliyab ng puso.

Habang nasa banyo, pareho kaming nakangiti na tila may sikreto na di alam ng ninuman. Masaya at naglalambingan, nagpupunasan ng tuwalya at nagsusuklayan ng buhok. Natapos din kaming maligo sa tagal naming sa banyo. Nagtatapis ako ng tuwalya at hinila nya ito, “Nakita ko na nga lahat tatakpan mo pa Babe?”, paglalambing ni Lance. Di na kami nagtapis at hawak nya ang aking kamay at binuksan ang pinto ng banyo upang magbihis malapit sa may kama kung saan malapit sa cabinet. Pagbukas ng pinto, “HAPPY BIRTHDAY IHO (Mama), HAPPY BIRTHDAY SIR LANCE (Yaya Mareng), HAPPY BIRTHDAY SON (Papa)” ang pagbati ng kanyang magulang at ni Yaya Mareng  habang tumambad ang aming pagkalalaki sa kanilang lahat.

ITUTULOY…..