"Ang Sundo" |
Noong musmos pa lang ako, nais kong makakita ng Anghel. Isang
napakaliwanag at lumilipat na taong may pakpak habang kinakausap ka sa
pamamagitan ng isip lamang. Maging sa mga programa’t pelikula lagi akong nakaabang
upang makapanuod. Tila isang pangarap ang natutupad sa bawat panuod ko ng mga
may temang Anghel. Simula pagkabata ay naniniwala ako sa mga nilalang gaya ng
isang Anghel na tumutulong at nagliligtas sa mga taong may taimtim na paniniwala
at kabutihan.
Ngunit sabi nila kapag musmos ka lamang sila pinapaniwalaan at di
maglalaon sila’y makakalimutan at magiging matangdang kasabihan na lang sila
gaya ng sirena, aswang o engkanto at madami pang iba. Nakakalungkot na ganoon
ang paniniwala ng iba sa kanila. Madalas na hindi sila pinapansin dahil
maituturing silang tao-sa-gigilid; dahil hindi sila diyos at madalas gamitin
pampadagdag lamang sa eksena.
“Isang parte ng aking buhay”:
LUMAKI SA HIRAP ANG AMING PAMILYA. SANAY MAGBANAT NG BUTO SA UMAGA AT
ANG KAIN LAMANG AY SA TANGHALIAN AT TUBIG NAMAN HAPUNAN. KAHIT DAMA ANG HAPDI
NG TYAN AT PILIT NA IPIPIKIT ANG MGA MATA UPANG MAKATULOG. TULUGAN NA KARTON AT
KUMOT NA PUNIT-PUNIT HABANG NAGSISIKSIKAN AT BAWAL GUMALAW SA PAGKAKAHIGA.
PAG-GISING SA UMAGA SABAY SABAY KAMING MAGDADASAL AT MAGPAPASALAMAT.
SA BAWAT PANALANGIN AKO AY NALULUHA DAHIL TUNAY NA DAPAT AKONG MAGPASALAMAT
AT NABUBUHAY PA KAMI KAHIT NA KAHARAP AY KAHIRAPAN. NANG DAHIL SA KAHIRAPAN AT
SITWASYON NG AMING PAMILYA SINUBUKAN KONG MAG-MAYNILA AT MAKAHANAP NG KAHIT
ANONG TRABAHO. NAMASUKAN AKO BILANG TAGAPAGPALA NG LUPA AT TAGAPAGSIMENTO NG
PADER. DAHIL HINDI SANAY SA PERA AKO’Y TUWANG TUWA SA NATATANGGAP KO NA SAHOD
NA SIYA NAMANG IPINAPADALA KO SA AKING INA NA NAG-AALAGA SA DALAWA KONG KAPATID
NA BABAE.
NAKULONG ANG AKING AMA DAHIL SA PAGNANAKAW NG GATAS SA ISANG TINDAHAN.
HINDI NAMIN KAYANG BAYARAN ANG PIYANSA KAYA NANATILI SYA SA KULUNGAN. MABUTING
TAO ANG AKING AMA AT NAAALALA KO ANG SAMBIT NYA “Nagawa ko ito anak dahil mahal
ko kayo pero hindi ito ang mabuting paraan kaya ako naririto. Huwag mong
pamarisan ang gawa ko”. SA TUWING NAIISIP KO ANG BAWAT LINYA NG SAMBIT NYA
GUSTO KONG SUMIGAW AT MAGALIT DAHIL WALA AKONG MAGAWA.
DAHIL SA PINAGSIKAPAN KO ANG AKING TRABAHO, BINIGYAN AKO NG
PAGKAKATAON NA PAHABAIN ANG AKING KONTRATA SA KONSTRAKSYON AT MAKAKUHA NG
BENIPISYO PARA SA AKING MGA KAPATID AT MAGULANG PARA SA KANILANG KALUSUGAN AT
SEGURIDAD. SA TUWING HIGA KO SA GABI BAGO MATULOG PAULIT-ULIT KONG SINASAMBIT ANG
PASASALAMAT SA MAY KAPAL. TUNAY NA HINDI KA PABABAYAAN.
ISANG UMAGA IPINATAWAG AKO NG AKING TAGAPAMAHALA UPANG GAMPANAN ANG
TRABAHO NG AKING KASAMA DAHIL HINDI ITO NAKAPASOK NANG DAHIL SA KARAMDAMAN.
PAPALAPIT AKO SA LOKASYON NANG BIGLANG GUMUHO ANG PADER NG GUSALI NA AMING
GINAGAWA AT HUMAMPAS ANG BAKAL AT NATABUNAN AKO NG MGA KONKRETO. NAWALAN AKO NG MALAY NOON AT HABANG NASA
OSPITAL NARIRINIG KO ANG BOSES NG AKING INANG UMIIYAK. BOSES NA HINDI KO MAKITA
KUNG SAAN NANGGAGALING.
PINILIT KONG SUNDAN ANG TINIG AT PINILIT KONG BUMANGON SA KAMA PERO
HINANG-HINA AKO. NAKITA KO ANG BABAENG MAY PAKPAK NA NAPAKAGANDA AT KUMIKINANG.
“ANGHEL PO BA KAYO?” UNANG TANONG KO SA KANYA. “AKO ANG IYONG SUNDO HUWAG KANG
MATAKOT O MANGAMBA” SAGOT NIYA SA AKIN. “SAAN PO TAYO PUPUNTA?, SA LANGIT PO
BA?” MULING TANONG KO. “AKO ANG IYONG SUNDO” TUGON NYA SA AKIN. “AYOKO PO, DI
KO KAYANG IWAN ANG AKING MGA KAPATID AT MAGULANG, HINDI AKO SASAMA SAYO. ANG
BUONG AKALA KO AY ILILIGTAS MO AKO AT TUTULUNGAN PERO BAKIT GANITO?”, UMIIYAK
NA SABI KO SA ANGHEL. “IHAHATID KITA UPANG MAKABALIK KA SA PAMILYA MO”, SAGOT
NG NAKANGITING ANGHEL. “INIABOT KO ANG AKING KAMAY AT PATULOY SA PAG-IYAK.
PAG-GISING KO SA OSPITAL NAKITA KO ANG AKING INA AT NAGDADASAL NG
ROSARYO. ANG AKALA KONG SAGLIT NA PAGKAKATULOG AY 4-APAT NA LINGGO NA PALA.
NAKITA KONG NAKABENDA ANG MGA BINTI KO DAHIL PINUTOL NILA ITO GAWA NG PINSALA
NA BUMAGSAK SA GUSALI. UMIIYAK AKO HINDI DAHIL WALA NA ANG AKING PAA NGUNIT
DAHIL HINDI NA AKO MAKAKAPAGTRABAHO PA. MAS MABUTI NA YATANG HINDI NA AKO SUMAMA
SA “SUNDO” PARA DI NA AKO MAGIGING PABIGAT SA PAMILYA KO. NUNG ARAW NA YUN AY
LUMABAS DIN KAMI NG OSPITAL AT UMUWI NG PROBINSYA.
MAKARAAN ANG ILANG ARAW NA NASA PROBINSYA AKO, MAY DUMATING NA SULAT
GALING SA INSYURANS AT MAKAKATANGGAP DAW AKO NG SUPORTA SA KUMPANYA AT
GOBYERNO. MGA KAPATID AT MAGULANG KO AY MAKAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL.
PARTE NG PERA AY PINAMPYANSA NAMIN SA AKING AMA AT SYAY NAKALAYA.
ANG AKING INA AY MAY MALIIT NA TINDAHAN HABANG NAG-AARAL ANG AKING MGA
KAPATID. SI AMA AY NAG-AALAGA NG MGA BABOY AT KAMBING. TUNAY NGA SIGURONG TUMULONG
AT TAGAPAGLIGTAS ANG ANGHEL NA NAKITA KO. ANG MGA ANGHEL AY KAAGAPAY NG PANGINOONG
DIYOS UPANG KABAYAN ANG MGA TAO. AKO AY LUBOS NA NAGPAPASALAMAT AT ALAM KONG
MULI KAMING MAGKIKITA NG AKING “SUNDO” SA TAKDANG PANAHON. NGUNIT SA NGAYON AKO AY MAGBA-BLOG MUNA.
SALAMAT….